Chapter 7

835 73 4
                                    

Angela's POV

Maagang bumangon si angela para umalis na ng bahay ni matthew. Sa totoo lang namomroblema siya kung saan pupunta at ano ang kakainin niya pero hindi niya talaga kayang magsinungaling lalo na sa batang inosente niya pa ito gagawin.

Nang papalabas na ng pintuan ng bahay si angela....

Mommy!!!!!!!!

Napahinto siya dahil kilala niya kung sino yung tumawag sakanya. Tumakbo ang bata at niyakap siya sa binti

Aalis ka nanaman ulit mommy?? Iiwan mo nanaman ako??

Nagsimula nang umiyak yung bata.

Matthias!

Pagsasaway ni matthew sa anak.

Daddy aalis si mommy! Iiwan niya ulit ako! Please daddy pigilan mo umalis si mommy!!!

Nagwawala na ang bata. Hindi naman kumikibo si angela pero naaawa na siya sa bata.

Mommy hindi ko na ba ko mahal??? You promised me yesterday that you will never leave. Huhuhu! Mommy please please.

Matthias..

Kinuha na ni matthew mula sa pagkakayakap kay angela ang anak.

She wants to go let her go. Besides nandito naman si daddy anak. Ako hindi kita iiwan.

Humarap naman sakanila si angela at nakita niya sa mukha ni matthew na awang awa siya sa anak. Kitang kita din ni angela kung gaano kalungkot at nasasaktan ang bata.

Bakit ganito yung nararamdaman ko?? Bakit nakokonsensya ko? Nakakaawa si matthias... ang gusto lang naman niya ay magkaron ng mommy... pero hindi ko kayang magsinungaling sakanya na ako ang mommy niya.

No daddy!!! I want mommy!i want mommy! Please mommy dont leave me. Please! Please!

Patuloy parin sa pag iyak ang bata na halos naglulupasay na sa sahig.

Umupo naman si angela para maabot ng tingen ang bata at niyakap ito.

Ssssssh. Wag ka nang umiyak. Hindi na ko aalis....

Mommy!!! Huhuhu

Ssssssh.

Pinunasan naman niya ng kamay ang mga luha ng bata.

Bakit mo gustong umalis ulit mommy?? Hindi mo ba ko mahal?? Ayaw mo ba sakin?? Bad boy ba ko?? Huhuhu! Mommy!!! I'm sorry!magpapakabait na po ako basta wag niyo lang po akong iiwan. Please mommy. Please mommy

Niyakap siya ng bata habang nakikiusap ito sakanya. Tumingin naman siya kay matthew na awang awa parin sa itsura ng anak niya.

Ayoko kitang nakikitang umiiyak. Tahan na ha?? Hindi na ako aalis. Magsstay ako sa tabi mo.

Talaga mommy?? Promise mo yan??

Pangako.

Niyakap siya ulit ng bata ng mahigpit na mahigpit. Niyakap din naman niya ito pabalik.

-----------------------------------------------

Ilang sandali pa at nakatulog si matthias dahil sa sobrang antok kakaiyak marahil. Pinasok na nila ito sa kwarto para makahiga ito ng maayos.

Habang pinagmamasdan ni angela ang bata...

Salamat...

Napatingin siya kay matthew.

I'm sorry din kung nasigawan kita kagabi.

Hanggang kelan ako magpapanggap na mommy ni matthias??

I'm in Love With An AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon