Nakabalik na from Melbourne si Dayne pero hindi na kami madalas magkita sa bahay. Lagi kasi itong nasa opisina niya. What do you expect? I just married a multi billionaire man. Ang hirap pala talagang makipagsabayan sa angkan ng mayayaman. All they know is to make money to be more rich than expected. Hindi ko naman masisisi ang lalaking iyon. He get used to live life earning millions per hour. Hindi nga naman basta basta ang kinikita ng Williams sa mundo.
Akala ko kasi magbabago ang takbo ng buhay niya ngayong may asawa na siya. Mali pala ako. Somehow I was expecting him to be a husband material. Well for 1 week after our marriage he was... After Melbourne, bumalik na naman ang pagkasuplado nito. Madalas din kasi siyang umuwi late na ng gabi. Ayoko naman siyang komprontahin, mag-asawa kami sa papel. Pero ayoko pa din siya pakialam sa buhay na nakasanayan niya.
"Hi sis.... Oh bakit nakapangalumbaba ka diyan? Nagaway kayo ni Dayne?" tanong ni Misa.
Umupo ito sa harap ng table ni Shea sa loob ng opisina niya.
"Hindi naman sa ganoon Misa!" bumuntong hininga siya at saka sumandal sa upuan niya. "Hindi ko lang kasi matantiya ang ugali ni Dayne. Sometimes he's sweet, sometimes he's aloof...most of the times parang laging may regla. Ni hindi ko na nga mahagilap sa bahay namin yun minsan!" kunot noo niyang sumbong sa kapatid.
"Ano ba kasing sabi ko sayo sis dati? Kaya mo pinakasalan si Dayne para makilala mo kung anong ugali mayroon siya. Akala ko ba gusto mong pasukin ang mundo niya?"
"I'm trying Misa...it's just that, mahirap namang intindihin ang isang tao kung ayaw magpaintindi. Ewan ko ba...napakaunpredictable talaga ng lalaking iyon!"
"Eh bakit di mo alamin? Talk to him and let him feel na your'e willing to listen whatever sentiments he has in life!"
Hindi pa nga naman kami naguusap ni Dayne ng mga personal na bagay tungkol saming dalawa. He's not a vocal person, he will just show you things that he likes pero hindi niya iyon eexplain sayo. Just like what happened before when we went to that quiet place with a river. Ang hirap niya talagang basahin.
"May suggestion ako...!" ngiti ni Misa. "Di ka pa nakakapunta sa Williams building di ba? Why don't you give him a surprise visit. Invite him for a lunch or dinner you know!"
"Ako talaga? No way Misa, I would never do that!" hindi pa talaga ako napupunta sa office niya since the time we got married. And never din naman ako dinalaw ng lalaking iyon dito sa opisina ko.
"Gezz...hindi na uso ang mga babaeng nag aala cinderella at nagaaantay ng prince charming nila kung kailan darating these days. C'mmon sis, make your move, Dayne Williams is Dayne Williams, kahit kasal na kayo, marami pa ding aaligid diyan sa asawa mo. Ikaw din, bahala ka...!"
Saka niya naisip si Eva at si Pia noong isang araw. Ugh! Bakit kaya madalas akong maugnay sa mga lalaking sobrang gwapo at hot? Dumadami tuloy ang karibal ko sa buhay. Can we just live a normal life? Just the two of us...
Tumayo si Shea.
"Oh saan ka pupunta?" taka ni Misa.
"Akala ko ba I have to make my move na?" natigilan si Shea.
"You're not wearing that right?" tingin ito sa suot niyang slacks at longsleeves chiffon top. "Wear something sexy sis. You'll be surprise pag nakita mo ang mga tao sa Williams building!" ngisi ni Misa.
Kumunot ang noo ni Shea na waring nagtaka sa huling sinabi ni Misa. What does she mean by that?
Anyway, umuwi siya sa bahay niya mismo, nandoon kasi mostly ng damit niya. Lahat ng damit niya na nasa bahay ni Dayne, puro mga pinamili lang naman iyon ng magaling niyang asawa. Nagtaka nga siya dahil lahat ng pang office niya puro slacks. Walang skirts.
YOU ARE READING
Bad Romance (Dayne Williams Story)
RomanceSPG-R18 (Series 6) Shea Sebastian lost her world when her husband died of heart disease. She promised herself not to fall anymore again after the terrible heart ache. But he came Dayne Williams, that smoking-hot, multi-billionaire, arrogant man in...