Kabanata 1
Huling GabiNakatayo ako sa harap ng salamin habang tinitingnan ko ang aking sariling repleksyon.
Nakasuot ako ng kulay rosas na damit na napapalibutan ng mga makikintab na palamuti.
Ang aking mukha ay may mga kolorete at nakaayos ang itim at mahaba kong buhok.Ito ang espesyal na okasyon na hinihintay at pinanabikan ng mga estudyante.
Naisip nyo na ba ang ibig ko?
Alam nyo na ba kung ano ito?J.S promenade.
Ito ang araw kung saan nagiging prinsesa at prinsipe ang ayos ng bawat isa.Madilim ang paligid at nakikita ko na ang makikislap na bituin at maliwanag na buwan sa langit, ngunit natatakpan Ito ng mga ibat ibang kulay ng ilaw at malakas na tugtugin.
Sumasayaw kaming lahat sa indayog ng malakas na musika habang sinasabayan ito ng pagkanta.
Kasabay ng pagtulo ng aking pawis ay ang paglabas rin ng kakaibang saya na hindi ko maipaliwanag.
Dumating sa punto na napalitan ang tugtugin ng mabagal na uri ng musika. Kasabay nito ang pagtayo ng mga lalaki at pag alok sa mga babaeng nais nilang isayaw.
Isinayaw naman ako ng iba Kong mga kaklase at kaibigang lalaki.
Hindi maalis ang ngiti sa aking mukha na tila ba ito'y nakatahi na.Sayaw dito, sayaw doon hindi ko alintana ang sakit mg aking mga paa dahil sa suot kong mataas na sandalyas. Hindi ko maramdaman ang pagod, natabunan na Ito ng tawanan at kwentuhan naming magka-kaibigan.
.
.
.
.
.
.
.
.
"Ate! Ate! Ate!!!"Napamulat ang aking mga mata sa pagtawag ng aking mga kapatid.
"Ate, nagugutom na kami"
Napilitan akong bumangon kahit na ramdam ko pa ang matinding antok.
Panaginip?
Hindi yun panaginip.
Ang nangyari kagabi Ay ang huling gabi ko bilang isang prinsesa.Ang huling gabi na pakiramdam ko ay isa akong prinsesa.

BINABASA MO ANG
My Superhero
Short StoryThis is a story of being strong enough to face the world. Its about family and facing struggles in life without your superhero. This is my story.