"UTANG"

9 1 0
                                    

Kabanata 2
Utang

Pagewang-gewang akong dumiretso sa kusina na tila ba ako'y isang lasing. Nagsimula akong magluto ng almusal para sa aking mga kapatid.

Habang nanunuod ang aking mga kapatid ng telebisyon nagsimula na akong maghugas ng mga pinagkainan. Isang tambak ng hugasan mula pa kagabi.

"Sam"
Tawag nya sakin.

"Alam mo naman ang tungkol sa nararamdamam ko sayo hindi ba?"
Tanong nya habang hawak nya ang aking baywang at isinasayaw ako kasabay ng mabagal na musika.

"Oo" sagot ko kasabay ng pag-iwas ng aking tingin sa kanya.

"Pwede bang manligaw?" Nahihiyang tanong nya.

"Alam mo kasi----


"Ate!"
Sa gulat ko nabitawan ko ang platong hinuhugasan ko, kung kaya't nabasag ito at nagkalat sa sahig ang mga piraso.

"Ano ba!!!???" sigaw ko sa aking kapatid, nanlaki ang kanyang mga mata na halatang nagulat as biglaan kong pagsigaw.

"Bakit ba?" mahinahon ko ng tanong habang pinupulot ang mga basag na piraso ng Plato sa sahig.

"May naghahanap Kay papa, yung bayad daw sa utang" mabilis na sabi ng aking kapatid.

"Ano?" tanong Kong muli kahit narinig ko naman, gusto ko lang linawin.

"Ang sabi ko ung utang daw natin nasaan na ang bayad may naniningil sa labas" pag-uulit nya.

"Sabihin mo wala si papa nasa trabaho, bumalik na lang sya sa susunod" inis Kong sabi.

Ang aga-aga may naniningil ng utang, ganito lagi ang eksena kung kayat minsan sinasara ko ang pinto at mga bintana upang magmukhang walang tao sa bahay namin. Pinagpatuloy ko na lamang ang paghuhugas ng hugasan.

My SuperheroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon