Kabanata 7
PadalaMagaan ang araw ko ngayon dahil ito ang araw na makukuha namin ang padala ni mama. Makakagawa na ako ng proyekto at makakabili ng aking mga kailangan.
Ngunit nagkamali ako, napawi ang ngiti sa aking labi nang nalaman kong walang natira sa padala ni mama. Halos napunta lang ito sa pambayad ng utang at pambayad ng tubig at kuryente.
Hindi naman kalakihan ang sahod ng mama ko, sapat lang talaga iyon para sa amin. Hindi sobra, hindi rin kulang.
Naiinis ako sa mga taong nagsasabi na mayaman kami dahil OFW daw ang mama ko, hindi naman porke nasa ibang bansa ang mama ko ay humihiga na kami sa pera.
Ang dami ring humihiram ng pera sa amin na tila ba ay sobrang laki ng pinapadala ng mama ko, hindi man lang nila naisip kung gaano kahirap magtrabaho sa ibang ganda at malayo sa pamilya.
Pag hindi mo naman napahiram ng pera sila pa ang may ganang magalit at kami pa ang madamot.
Ano bang tingin nila sa mga OFW, nagbabakasyon lang?
Mga turista at nagpapakasarap sa ibang bansa?
Hindi nila alam ang hirap ng isang OFW, wala silamg alam kung gaano kahirap magpa-alipin sa ibang tao.
At gaanong sobrang pagtitipid ang ginawa nila para lang maaki ang maipadala.Mabuti na lang at may jonting naipon na ako, sapat na ito panggawa sa aking proyekto.
Simula ng umalis si mama, natutu na akong magtipid at mag-badyet ng pera.

BINABASA MO ANG
My Superhero
Short StoryThis is a story of being strong enough to face the world. Its about family and facing struggles in life without your superhero. This is my story.