"NOON HINDI NA NGAYON"

7 1 0
                                        

Kabanata 3
Noon Hindi na Ngayon

"Krrrrriiiiinggg... Krrrrriiinggg..."

Tunog ng aking orasan, pagtingin ko ng oras ay mag-aalasyete na ng umaga.

Napabalikwas ako ng bangon at nagmadaling pumunta sa banyo.

Mabilis akong kumilos at nagsimulang magluto ng almusal, ginising ko na rin ang aking mga kapatid upang asikasuhin sila sa pagpasok sa paaralan.


Dahan-dahan akong naglakad sa likod papasok sa aking silid aralan upang hindi mapansin nang nagtuturo ko ng guro.

"Gonzales!!!"

Nagulat ako sa pagsigaw ng aking guro sa aking apelyido.
Kung kanina ay halos matanggal na ang aking puso sa pagmamadali, ngayon naman ay tuluyan na itong natanggal.

"You're late again!"

Tiningnan nya ako ng mariin na tila ba naghihintay ng aking paliwanag.

"Pasensya na po ma'am"

Mahina kong sagot at dumiretso na ako sa aking upuan, batid ko ang mga matang nakatingin sa akin na tila ba ako'y isang kriminal.

"Bakit late ka na naman?"

Tanong sa akin Ni Alex, isa sa aking mga kaibigan.
Imbis na sagutin ko sya ay kinuha ko na lamang ang aking kwaderno at nagsimulang isulat ang nasa pisara.

Hindi naman talaga ako nahuhuli sa klase, kung tutuusin lagi nga akong maaga noon.

Noon yun hindi na ngayon.

Noon dahil andyan pa sya at hindi na ngayon dahil wala na sya.

My SuperheroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon