"BAD HAIR DAY! Everyday!"

3 0 0
                                    

Kabanata 8
Bad hair day! Everyday!

Pumasok ako sa klase na mukhang bruha, paano ba naman nahuli na naman ako ng gising at hindi ko na nagawamg suklayin pa ang aking buhok.

Pinagtitinginan ako ng mga kaklase ko na may natatawang mukha at ang ilan ay nagtataka.
Mabuti na lamang at wala pa ang aming guro.

Kinuha ko ang aking suklay at sinimulang suklayin ang buhol-buhol kong buhok. Sa sobrang inis ko nga nasasaktan ko na ang anit ko - ng may biglang kumuha ng suklay sa akin.

Pagtingin ko si Lexie pala ang isa sa mga kaibigan ko. Sinimulan nyang suklayin ang buhok ko ng mabagal at dahan-dahan.

"Iba talaga pag may Nanay noh?"

Ang sabi nya sa akin habang hinahaplos ang itim at mahaba kong buhok, tumango na lamang ako sa kanya.

"Dati noong andyan pa ang mama mo laging nakatali ng maganda itong bukok mo"

Tama sya, noong andito pa si mama laging maayos ang buhok ko. Paborito nyang gawin sa buhok ko ay ang pagtirintas dito dahil nga sa mahaba ito.

Ngunit ngayon lagi na akong pumapasok ng walang tali at magulo ang buhok.

Nadagdagan ang inis ko ng nagkaroon kami ng pagsusulit, nakalimutan kong mag-aral dahil ang dami kong ginawa kahapon. Nakakuha ako ng mababang iskor.

Umuwi ako sa bahay ng may namumuong luha sa aking mga mata. Hindi kasi ako sanay na makakuha ng mababa, noong andito pa si mama madami akong oras para mag-aral kung kaya't lagi akong nasa top students ng klase. Ngunit ngayon pakiramdam ko ay mawawala ako bukod sa lagi na nga akong huli sa klase, madalas pa akong makakuha ng mababa sa pag-susulit.

Humarap ako sa salamin at isang iglap nalaglag sa sahig ang kalahati ng mahaba kong buhok, kasabay nito ang pagtulo ng aking luha.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 16, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My SuperheroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon