Kabanata 6
Recess"Gonzales, Samantha"
"Present"
Antok kong sabi sa pagtawag ng aking pangalan. Sobrang bigat ng aking mga mata at gusto na nitong bumagsak, hating gabi na rin kasi akong natapos sa aking paglalaba kung kaya't kulang na kulang ako sa tulog."Sam!"
Tawag sa akin ni aby habang naglalagay ng pulbos sa maputi na nga nyang mukha.
"Oh?"
Tamad akong tumingin sa kanya.
"Tara! Recess na"
Aya nya sa akin at ng iba ko pang kaibigan na pumuntang canteen.
"Busog pa ako"
Ang sabi ko sa kanila at bumalik sa pagtulog sa aking silya.
Hindi naman talaga ako busog, ang totoo gutom na talaga ako dahil hindi ko nagawang mag-almusal kanina sa pagmamadaling pumasok.
Ayaw kong mag-recess sapagkat ayaw kong gastusin ang baon ko ngayon, mag-iipon ako para sa aking proyekto.
Nagulat na lang ako ng may naglapag ng pagkain sa harap ko. Nag-angat ako ng tingin at nakita ko si Eli aking harapan na may ngiti sa kanyang labi.
Pinagtaasan ko sya ng kilay na may pagtatanong sa aking mga mata.
"Kumain ka na"
Sinabi nya yun ng pautos at hindi patanong.
"Busog ako"
Sabay usog ko pabalik sa kanya ng pagkain.
"Wala akong pake, ang gusto ko kumain ka"
Sa tono ng pananalita nya para syang presidente at mahahatulan ako ng parusang kamatayan pag hindi ko sya sinunod.
"Ang kulit mo! Ano ba sa salitang 'Busog ako' ang hindi mo maintindihan!?"
Inis kong sabi sa kanya
"Ang kulit mo, ano ba sa salitang 'kumain ka' ang hindi mo maintindihan?"
Pag-uulit nya sa sinabi ko at pilit nyang ginaya ang boses ko.
Bumuntong hininga ako at kinuha ang pagkain at binuksan ito sa harap nya, senyales ng pagsuko mula sa kanyang kakulitan.
Kinain ko ito habang nakatitig ng seryoso sa kanyang mga mata.
"Ano pang tinutunganga mo dyan?"
Tanong ko sa kanya
"Masama bang tingnan ka habang kinakain ang bigay ko?"
Nakangiti nyang sabi
"Umalis ka na nga!"
Pagtataboy ko sa kanya
"Ang cute mo pala kumain"
Sabi nya bago tuluyang tumalikod.
"Salamat sa pagkain"
Mahina kong sabi
.
.
.
.
.
"Walang anuman-----Basta ikaw"
Sabi nya na ikinagulat ko.
Napangiti na lamang ako habang nginunguya ang kinakain ko.

BINABASA MO ANG
My Superhero
Historia CortaThis is a story of being strong enough to face the world. Its about family and facing struggles in life without your superhero. This is my story.