Kabanata 4
Bakit?Pagbukas ko ng pinto ng aming bahay tumambad sa akin ang napakaraming kalat.
Mga pinaghubarang damit na nasa sahig, mga pinagkainan sa lamesa, mga laruang halos nasa lahat ng parte ng aming bahay at marami pang iba.
Agad na uminit ang aking ulo at padabog kong nilapag ang aking mga gamit sa isang upuan.
"CJ!!!!"
Tawag ko sa aking kapatid na prenteng naka-upo habang nanunuod ng telebisyon.
"Ang kalat na naman ng bahay!
Ilang beses ko ng sinabi na matutu naman kayong magligpit pag wala ako!"Isa-isa kong pinulot ang mga nakakalat at niligpit ang mga ito. Kasabay naman ito ng pagpasok ng iba ko pang kapatid kasama ang mga kalaro na suot pa ang tsinelas papasok sa loob ng bahay.
"Ano ba yan! Lumabas nga kayo! Labas!"
Pagtataboy ko sa kanilang lahat habang ang kapatid kong si CJ ay hindi ako pinansin at patuloy lang ang panunuod.
Dumiretso ako sa kusina at tumambad sa akin ang tambak na hugasan at ga-bundok na labahan.
Dumoble ang inis na naramdaman ko at pinigilan kong tumulo ang mga namumuong luha sa aking mga mata.
"Ano ba namang buhay to?"
Bulong ko sa aking sarili.
Bakit ka pa kasi umalis?
Bakit mo kami iniwan?
Bakit?
Sa puntong iyon tuluyan ng tumulo ang mga nag-uunahang luha sa aking mga mata.
Pilit ko itong pinupunasan ngunit ayaw tumigil na tila ba isang gripo na tuloy ang agos.
Pulang-pula ang aking mga mata habang naglalagay ng pulbos sa aking mukha upang matakpan ang pagod sa aking mukha. Sinuklay ko rin ang mahaba kong buhok at tinali ito ng mataas.

BINABASA MO ANG
My Superhero
Short StoryThis is a story of being strong enough to face the world. Its about family and facing struggles in life without your superhero. This is my story.