Adri's POV
"I know right. Pero teka, bakit ka nandito?" Tanong sa akin ni Althea. Kinwento ko sa kanila yung nangyari sa pagkahulog ko then yung nga napagusapan namin nila Mom at Dad. Kinwento ko rin sa kanila about sa powers nila Mom at Dad pati na rin yung powers ko na pinamana sa akin nila Mom at Dad.
"So, hindi ka talaga isang Demigoddess." Sabi ng babaeng may white shade ang buhok.
"Oh, we almost forgot. She's Caira Ella Rune, twin sister of Cobby Rune. And this is Adriane Lorrof, she's our bestfriend from the mortal world." Sabi ni Nicole.
"Nice to meet you, Adriane." Sabi ni Caira at inilahad ang kaniyang kamay.
"Nice to meet you too, Caira." Sabi ko at inabot ang kaniyang kamay upang makipagshake-hands.
"Anyway, kailangan pa nating pumunta sa market. Kailangan pa nating bumili ng mga kakailanganin natin at derecho na rin tayo mag-shopping kaya magbihis na tayo." Hyper na sabi ni Althea at nauna na sa kwarto niya. Nagkibit-balikat na lang si Caira at nagtungo din sa kwarto niya. Sumunod naman sa kaniya si Nicole na nagtungo rin sa sarili niyang kwarto. Umakyat na rin ako at nagtungo sa kwarto ko na may nakapangalan na Adriane sa pinto. Kinuha ko ang susi ko at binuksan ito. Simple lang ang kwarto ko, may malaking kama, may dalawang pinto, may malaking salamin, may study table, at may shelf. Binuksan ko ang isang pinto at nakita ko ang aking mga damit na maayos na nakasabit. So may walk-in closet pala kami. Binuksan ko naman yung isa pang pinto. Ito naman yung shower and comfort room. Naghubad na ako ng aking damit at hinayaan ang tubig na basain ang katawan ko. Pagkatapos kong maligo ay dumeretso ako sa walk-in closet ko. Kinuha ko yung jeans ko at isang T-shirt na black na may tatak na 'Disguise'. After that ay lumabas na ako dala-dala ang glasses ko na pinupunasan ko. Dala ko rin yung wallet ko na naglalaman ng allowance na sinasabi ni Headmaster. Nang makarating ako sa sala ay nandoon na silang tatlo.
"O, andyan na pala si Adriane eh. Tara na dali. Doon na tayo magdinner." Sabi ni Nicole at tumayo na silang tatlo. Lumabas na kami ng Dorm at nagpunta sa field.
"Anong ginagawa natin dito? Diba pupunta tayo sa mall." Tanong ko sa kanila.
"Ay! Oo nga pala. Wala kasing masyadong sasakyan dito dahil halos lahat ng mga nakatira dito ay may mga flying pet. Sabay ka muna sa akin at hanapan ka namin sa mall." Sabi ni Althea. Isa-isa naman nilang sinummon ang mga pet nila. Kasama pala ang mga pet sa mga nakatira sa Alri. Natapos sila sa pagsummon ng kanilang mga flying pet. Isang dove ang pet ni Caira, kay Althea naman ay isang Seagull, at ang kay Nicole naman ay isang kulay blue na parrot. Lahat ng pet nila ay mas malaki kaysa sa normal size nito.
"Tara na, Adriane. Sakay ka na dito. Kasya ka pa naman sa Baby Sese ko." Sabi ni Althea at tinapik ang likod ng kaniyang Seagull. Agad naman akong umangkas at humawak sa balikat niya.
"Ano? Karera?" Nakangiting tanong ni Caira.
"Andaya niyo! May pasahero kaya ako." Parang nagmamaktol na sabi ni Althea.
"Wag ka na magreklamo! It's payback time." Sabi ni Nicole at napa-pout na lang si Althea.
"On the count of three, One." Sabi ni Nicole kaya binuka na ng mga pet nila ang kanilang mga pakpak.
"Three." Sabi ni Nicole at nauuna na. Agad naman na humabol sila Althea at Caira. Hanggang sa maabutan nila si Nicole.
"Andaya mo talaga, Maria!" Sabi ni Althea na siyang ikanasimangot ni Nicole. Ayaw niya kasi na tinatawag siya sa unang pangalan niya.
"Maria pala ah!" Sabi ni Nicole at mas lalong binilisan ang pagpalipad ng kaniyang pet. Hindi na siya mahabol nila Caira at Althea. Naging normal na lang ang pagtakbo namin.
"Bwisit! Mababankrupt at ako nito ah." Sabi ni Althea. Tumingin ako sa ibababa. Mula dito ay kitang-kita ang iba't-ibang kaharian. Nahahati ang mundong ito sa walong sektor na nirerepresinta ng bawat kaharian. May mga nakita akong mga ibon na kasabay namin sa paglipad. Pinakiramdaman ko ang hangin at naisip ko kung paano ko nakilala sila Alches at Dem. Napangiti ako dahil doon.
Hapon iyon at naglalaro ako sa park. Nagiisa lang ako doon at walang kalaro. Private park ito kaya halos walang pumupunta dito. Nagtatakbo lang ako hanggang sa marating ko ang isang gubat. Dahil sa curiosity ko ay pinasok ko iyon. Madilim dito dahil nakakatagos ang liwanag na galing sa araw dahil sa nagtataasan at naglalakihang mga puno ngunit hindi ako natinag at nagpatuloy pa rin sa paglalakad. Ng marating ko ang pusod ng gubat ay nakita ko ang isang batang babae na naglalaro kasama ang magagandang mga paruparo. Ngumiti ako dahil sa nasilayan ko, isang napakagandang babaeng may pakpak na puti ang nasa harapan ko ngayon. Bigla akong may natapakan na isang stick at maririnig sa napakatahimik na gubat ang tunog ng pagkabali nito. Napatingin sa akin ang batang babae kaya nagtago ako sa likod ng puno.
"Sinong nandyan?" Tanong ng batang babae. Lumabas naman ako sa pinagtataguan ko.
"Uhh... pasenya na kung naistorbo kita... Sige aalis na ako." Sabi ko at akmang aalis na.
"Sandali!" Sabi ng batang babae kaya napalingon ako sa kanya."
"Gusto mo bang maglaro muna?" Tanong niya habang may malaking ngiti sa kaniyang labi. Napangiti naman ako dahil sa sinabi niya dahil ito ang unang beses na may nagyaya sa akin upang maglaro. Agad akong nagtungo sa kinatatayuan niya.
"Ako nga pala si Alchesdriandle pero tawagin mo na lang akong Alches." Sabi niya at inilahad ang kaniyang kamay.
"Ako naman si Adriane Loraine Kendra Andrea Keith Amethyst Mcgrove-Lorrof." Sabi ko sa kaniya.
"Napakahaba ng pangalan mo, alam ko na! Tatawagin na lang kitang Amethyst." Sabi niya at nagsimula na kaming maglaro. Nagkwento rin siya tungkol sa buhay niya hanggang sabihin niya sa akin na isa siyang anghel. Naniwala naman ako dahil may pakpak siya at mukha naman siyang anghel. Inilipad niya ako gamit ang kaniyang pakpak at ng magdidilim na ay nagpaalam na ako sa kaniya.
"Gabi na, Alches. Baka hinahanap na ako sa amin." Sabi ko sa kaniya na siyang ikinalungkot niya.
"Ganon ba? Osige pero bago yun may ibibigay ako sayo." Sabi niya at lumapit sa akin.
"Ano naman iyon?" Tanong ko sa kaniya. Ngumiti naman siya ng malapad.
"Ako." Sabi niya na siyang pinagtataka ko. Pano niya ibibigay ang sarili niya sa akin? Bigla niyang kinuha ang kamay ko at hinawakan niya ito. Nagliwanag ang mga kamay namin. na siyang ikinapikit ko. Pagmulat ko ay nasa harapan ko pa rin si Alches ngunit ang napansin ko ay ang nakalagay sa pulso ko. May parang naka-tattoo doon na kalahating pakpak na may lining na puti.
"Mula ngayon ay pwede mo na akong tawagin kahit nasaan ka man." Sabi niya at mas lumawak pa ang kaniyang ngiti.
"Bakit mo ginagawa ito?" Tanong ko sa kaniya.
"Dahil isa kang totoong kaibigan at ayaw kong mawala ka." Sabi niya na siyang ikinaiyak ko. Bigla namang may lumitaw na batang babae at nakasuot siya ng itim na bestida at mukhang mataray. Kabaligtaran ni Alches.
"Anong ginawa mo Alches?! Bakit mo ipinagkatiwala ang sarili mo sa kaniya?" Sabi nito na parang galit.
"Kasi kaibigan ko siya? At kung naiinggit ka, edi gumaya ka rin." Imosenteng sabi ni Alches.
"Forget it." Sabi niya at lumapit sa akin. Kinuha niya ang kamay ko gaya ng ginawa ni Alches kanina.
"Don't assume I'm only doing this for my bestfriend." Sabi niya at lumiwanag ng itim ang mga kamay namin. Ipinikit ko ang aking mga mata at ng buksan ko iyon ay wala na ang liwanag na bumalot sa kamay namin.
"Let's go, Alches." Sabi ni Dem at bigla na lamang silang naglaho. Umuwi na ako sa amin at naabutan ko ang mga parents ko na sobrang nagaalala.
BINABASA MO ANG
She's A Goddess (Revised Edition)
FantasyLife And Death. That is her powers. To create life or to take it. Love and Hatred. This is her Problem. Whether to hate or just love. Her Life or the Life of all Beings. This is what she need to decide. To sacrifice her life for all the people that...