SAG 7

858 38 0
                                    

Adri's POV

Ngayon ay nasa loob na kami ng mall at naglalakad-lakad.

"San ba unang pupuntahan natin?" Tanong ko sa kanila. Huminto naman sila sa paglalakad.

"Since bago ka pa lang dito at wala kang gamit na pweding gamitin panglaban, sa blacksmith muna tayo. After that pupunta tayo sa Boutique para pagawan ka ng magiging damit mo. And I think, we should go to the library after this for your spell book." Sabi ni Nicole at nagsimula ng maglakad patungo sa elevator. Sumunod kami sa kaniya at ng marating na namin ang elevator ay pinindot niya kung saang floor kami pupunta. Namangha ako dahil napagalaman ko na ang mga ginagamit pala nila ditong teknolohiya ay hindi pinapagana ng elektrisidad kundi ang energy mismo na nanggagaling sa magic mismo ang ginagamit nila. Nang tanungin ko sila kung saan nanggagaling yung magic, ang sabi nila ay dahil daw ito sa isang core. Ito daw ang nagsusupply ng magic sa paligid. Tinanong ko naman sila kung dito din ba nanggagaling yung powers nila. Ang sabi nila ay hindi, nanggaling daw ito sa first ever god na ngayon ay wala ng nakakaalam kung nasaan ito o kung buhay ba talaga ito. Napatango na lang ako sa sinabi nila at namalayan na lang namin na nasa harap na kami ng Blacksmith's Shop, kung saan matatagpuan ang mga weapon. Pumasok kami dito at sinalubong kami ng isang lalaki na may katandaan na.

"Magandang araw mga binibini, anong maipaglilingkod ko sa inyo?" Tanong sa amin ng matandang lalaki.

"Naghahanap po kasi ng weapon na pwede sa kaibigan namin. May maisusuggest po ba kayo?" Sagot ni Nicole sa matandang lalaki. Kanina kasi ay tinanong nila ako kung may alam ba akong gamitin na weapon pero ang sabi ko sa kanila ay wala dahil ang alam ko lang ay basic Martial Arts. Hindi kasi ako masyadong mahilig sa pakikipaglaban more on study ako kaya hindi ako nagkaroon ng panahon para magtraining at ang last training ko ay matagal na kaya hindi ko alam kung marunong pa ba ako.

"Anong type ka ba binibini? Speed? Strength? O Accuracy? Nakadepende kasi dito kung anong nabgay na weapon sayo." Sabi ng matandang lalaki. Sa tatlong pagpipilian ay isa lang ang malapit na type sa akin.

"Accuracy." Sagot ko sa tanong niya. Nakasalamin man ay malinaw talaga ang mata ko, mas malinaw ang mata ko compared to normal being.

"Accuracy? Kung ganun ang maipapayo ko sayong weapon ay bow, crossbow, throwing knive, dart, and boomerang." Sabi ng matandang lalaki, matapos niyang sabihin iyon ay pumunta sa mga nakahilerang mga weapon at kinuha ang mga weapon na nabanggit. Agad niya itong binitbit at inilagay sa counter. Agad ko naman itong kinuha isa-isa at sinuri. Kung ang pagbabasihan ay kung gaano kadali gamitin ang weapon, ang pipiliin ko ay ang throwing knives or dart, pero kailangan ko ng maraming ganito at hindi ko kakayanin bitbitin lahat. Kung boomerang naman, pwedeng isa o dalawa lang ang dalahin ko pero kailangan ko pa ng matinding praktis para dito at wala na kaming oras. Ayaw ko naman ng crossbow mabigat, so ang pinakabest choice ngayon ay ang bow.

"May napili ka na ba, Adri?" Tanong sa akin ni Alet. Kinuha ko ang bow at iniharap sa kanila.

"Ito ang napili ko, pero kailangan ko din ng kunting shurikens." Sabi ko sa kanila. Agad namang kinuha ng matandang lalaki ang mga kailangan ko sinamahan niya na rin ng set ng arrows at lalagyan nito. Agad ko naman itong binayaran gamit ang allowance na binigay ni headmaster. Lumabas na kami ng shop at naglakad patungo sa susunod na shop. Halos katabi lang ng Blacksmith ang Boutique Shop. Pumasok kami dito at binati kami ng isang napakagandang babae.

"Goodafternoon, anong maitutulong ko sa inyo nga magagandang binibini? May mga bagong release kami na mga dress, blouse, jeans, shorts, t-shirt, armors." Sabi ng magandang binibini. Mabilisan ko nilibot ang aking paningin sa shop at nakita ko ang iba't,ibag klase ng damit. Halos kaparehas lang ito ng mga damit sa Earth maliban na lang sa mga armors. Ang iba dito ay gawa sa metal na mukhang para sa mga front liner na tumatanggap ng malaking damage habang ang iba naman ay gawa sa leather na para sa mga back-up at pwede din sa mga speed-type attacker.

"Magpapagawa po sana kami ng damit para sa kaibigan namin." Sabi ni Caira at napatango naman ang magandang babae.

"Ako nga pala si Ms. Catheryn, para saan ba itong damit na ipapagawa niyo?" Pakilala ng magandang babae habang kinukuha ang kaniyang panukat o measuring tape.

"Para po sa isang outside mission, kailangan niya po ng light armor." Sabi ni Nicole. Agad naman napatango si Ms. Catheryn at sinimulan na akong sukatan.

"May specific na design ka ba na gusto?" Tanong sa akin ni Ms Catheryn habang sinusukatan ako.

"Wala po, siguro po kayo na pong bahala doon. Hindi naman po ako pihikan sa damit." Sabi ko sa kaniya at sinuklian niya lamang ito ng tango.

"Color?" Tanong niya ulit sa akin habang nililista ang sukat ng katawan ko.

"Gusto ko po sana ay kulay black." Magalang na sagot ko kay Ms. Catheryn.

"Okay, balikan niyo na lang ito after four hours. Pwede niyo munang tignan yung mga New Arrive na damit namin." Sabi ni Ms. Catheryn at pumasok sa isang kwarto. Agad namang nagsilapitan sila Nicole sa mga damit at tinignan ito. Ako naman ay nagpunta sa t-shirt section. Nagtingin-tingin ako ng mga t-shirt ng makita ko ang isang t-shirt na may isang lalaki na nakaextend ang isang kamay sa dulo ng t-shirt. Kinuha ko ito at tinignan ang likod, wala ng nakalagay doon. Sinuri ko ang t-shirt, kulay black ito at ang tanging design nito ay ang lalaking nakaextend ang kamay. Binalik ko na lang ito sa kinuhaan ko kanina at nagtungo na papunta kila Nicole.

"Tara, Adri. Punta muna tayo sa Pet's Store para mahanapan ka namin ng pet." Sabi ni Nicole kaya lumabas na kami ng shop at nagtungo sa elevator. Pinindot niya ang fifth floor at nagsimula ng umandar ang elevator. Pagkatapos ng ilang sandali ay huminto ang elevator at bumukas ang pintuan nito. Sumalubong sa amin ang napakaraming cage kung saan nakalagay ang mga pet. Inikot ko ang aking paningin at nakita ko na walang counter o kahit na ano kung saan pwede kang magbayad.

"Saan nga pala natin babayadan yung mga pets?" Tanong ko sa kanila. Para namang matatawa yung mga expression nila.

"Adri, hindi namin binabayaran ang mga pets namin. It's either nakuha mo siya dahil natalo mo siya sa isang laban o kaya ay natame mo siya. Kaya pinatayo tong Pet Store na to, para hindi mahirapan pa magtame ng pet yung mga estudyante pero kung gusto mo talaga ng malakas ng pet kailangan mong maghanap." Sabi sa akin ni Nicole ng makarecover siya sa pagtawa. So kung ganon, ilan kayang pet ang pwede mong itame? Kasi kung isa lang, pano na yung Black Pegasus na nakuha ko?

"Ilan ba yung pwede mong itame na pet?" Tanong ko sa kanila. Mukha namang nagulat sila dahil sa tanong ko.

"Ahm... depende sayo. Ang lahat kasi ng pet na maaquire mo o matetame ay nagfefeed sayo. Hindi naman ito masama sa katawan mo pero pag napasobra saka siya nagiging masama. Pag napasobra kasi it's either magwawala ang mga pets mo at mawawala ang inyong bond o mamatay ka." Mahabang sabi ni Althea. Kung ganon, siguro hindi muna ako magabili ng pet. Hintayin ko na lang maghatch yung Black Pegasus.

"Ah, siguro hindi muna ako kukuha ng pet ngayon next time na lang kapag malakas na ako. Hehe." Awkward na sabi ko sa kanila. Tumango na lang sila dahil alam nila na wala pa sa kondisyon ang katawan ni ko. Naglibot-libot lang kami sa pet store at nagtingin ng mga pet.

She's A Goddess (Revised Edition)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon