SAG 9

1.4K 62 24
                                    

Adri's POV

Nagising ako dahil sa malakas na katok sa pinto. Bumangon ako at binuksan ito, nakita ko sa labas si Alet na nakabihis at may dalang bag.

"Good Morning! Pasok-pasok at maghahanda na tayo para sa ating paglalakbay!" Masiglang sabi niya habang tinutulak ako papasok sa aking kwarto. Nang tuluyan na siyang makapasok ag pumunta siya sa aking walk-in closet at naghalungkat ng mga damit doon. Matapos siyang maghalungkat ay lumabas siya na may dalang apat na pares ng damit, ang isa dito ay ang pinatahi namin. Inilagay niya ang tatlo sa kama habang ang ipinatahi naman namin ay iniabot niya sa akin at pinagtutulak niya ako sa loob ng banyo. Nagpadala na lang ako sa kaniyang tulak dahil naaantok pa talaga ako. Nang makapasok sa banyo ay isinabit ko ang damit na ibinigay sa akin ni Alet at hinubd na ang aking damit. Binuksan ko ang shower at hinayaan ang tubig na dumampi sa aking balat na siyang nagpapawala sa antok ko. Nagsimula na akong maligo at ng matapos ay isinuot ko na ang aking damit. Tinignan ko ang sarili ko sa isang whole-body mirror. Medyo fit ang damit ngunit kumportable sa balat, mapapansin din ang mga pinong disenyo na nakalagay sa damit. Lumabas na ako at nakita ko si Alet na inaayos ang bag ko, inilalagay niya dito yung mga damit na kinuha niya kanina. Kinuha ko ang aking salamin at sinuot ito, pagkatapos ay pumunta ako sa shelf at kumuha ng tatlong libro na pwede kong basahin habang naglalakad, isa dito ay ang monster classification tapos yung isa naman ay Ancient spell book na nagmula mismo sa librarian, at pagkatapos ay yung libro na walang laman. Inilagay ko yung libro sa bag na inihanda ni Alet. Pagkatapos non ay lumabas na kami sa kwarto at pumunta sa living room. Ngunit nagtataka ako dahil wala pa sila Nicole dito at madilim pa rin sa labas. Tinignan ko ang relo ko at nakita ko doon na alastres pa lang ng umaga at ng lingunin ko si Alet ay nakaakyat na siya sa kaniyang kwarto. Napakunot na lang ang noo ko habang napapailing. Pumunta na lang ako sa kusina at naghanap ng pwedeng iluto. May bacon at hotdog sila kaya yun na lang yung niluto ko habang nagasaing ako sa rice cooker nila. Matapos maluto ang bacon at hotdog ag hinintay kong maluto ang kanin. Habang naghihintay ay sinimulan ko ng  basahin yunh libro na dinala ko, yung Monster Classification.

Mushta
      - It is a poisonous plant in a form of a mushroom. Once it detect harm, it produces poisonous gas that can put a being to sleep, leaving it vulnerable.

Wolf
      - It is a vicious beast that eat flesh. They have the strength to take their prey down but lacks the intelligence to actually make use of it.

Shadow
      - They are type of demon that is prone to physical attack though they are weak with spell. But nonetheless they are extremely dangerous because of their infamous trick, that put their prey to sleep, leaving it vulnerable.

Chifiara
      - A legendary creature of Alxuria, Land of Monster. They are extremely powerful and have high intelligence that makes them more superior to other monsters.

Centipedo
     - A poisonous creature that contain poisonous substance in it's body. It's mouth can spit this poisonous substance and could inflict pain to it's prey.

Fox
     - They are close relative of wolf but less in size. They are tamable but still dangerous, even if they are half the size of a wolf their strength should not be underestimated.

Chuffle
      - They are flying creatures that are often being used as messenger.

Nagpatuloy lang ako sa pagbabasa hanggang magbukangliwayway. Napansin ko nalang na pababa na pala sila Nicole at mukhang naaantok pa sila.

"Good morning." Bati ko sa kanila at isinantabi ko muna ang librong binabasa ko. Inayos ko na yung lamesa at naglagay na rin ng plato at kubyertos.

"Morning, kanina ka pa?" Tanong sa akin ni Nicole habang umuupo sa isa sa mga upuan.

"Yup, medyo napaaga akong magising eh." Sabi ko sa kanila kahit ang totoo ay binulabog ako ni Althea.

"Hulaan ko, binulabog ka ni Althea ng sobrang aga tapos pinaghanda ka niya agad?" Tanong sa akin ni Caira.

"How did you know?" Tanong ko sa kaniya.

"Well, i've been a victim too, you know. She does that everytime you had your first mission with her." Sabi ni Caira habang napapangiti.

"Ah ganun ba. Sige gigisingin ko na pang muna siya." Sabi ko sa kanila at tumayo na.

"Hindi ka ba kakain?" Tanong sa akin ni Nicole.

"I already ate." Sabi ko sa kaniya at nagsimula ng maglakad patungo sa kwarto ni Alet. Binuksan ko na ang pinto niya at nagtungo sa kama niya.

"Let, gising na. Aalis na tayo." Sabi ko sa kaniya habang tinatapik yung pisngi niya.

"Fluffy, your so cute! I want to take you home... Hmmm..." sabi niya habang pinipisil ang pisngi ko. Hinila niya ako kaya napahiga rin ako sa kama niya. Miyakap niya ako at pinangkukurot. Hindi ko na kinaya kaya napasigaw ako.

"ANO BA?!?" Sabi ko sabay tayo bigla namang nagising si Alet. Kita mo sa mukha niya ang pagkagulat at ang takot. Naguilty naman ako dahil sa ginawa ko.

"Sorry, hindi ko sinasadya. Ginigising lang naman kita kasi aalis na tayo." Sabi ko sa kaniya bumalik naman sa normal ang itsura niya pero bigla ring nanglaki ang kaniyang mga mata.

"Aalis na tayo?!" Sabi niya sabay tayo. Kinuha niya yung bag na nasa baba ng kama niya at sinuot ang isang kulay blue na boots. Ngayon ko lang nakita yung damit niya dahil madilim pa kanina kaya hindi ko masyadong nakita. Ang main color ng suot niya ay kulay blue, then may touches ng kulang light blue. Katulad ng sa akin ay light armor lang din ang suot niya. Bagay na bagay sa kaniya yung damit niya, nagmukha siyang isang matapang na mandirigma minus the childish attitude, of course. Kinuha niya ang kamay ko at hinila ako palabas ng kaniyang kwarto. Patuloy niya akong hinila hanggang sa makarating kai sa kusina kung saan nagsisimula ng magalmusal si Caira at Nicole. Binitiwan naman ni Alet ang aking kamay at umupo na siya sa kaniyang upuan.

"We heard your shout, what happened?" Tanong sa akin ni Nicole habang papaupo ako sa upuan ko.

"Nothing. Nasigawan ko lang si Alet." Sabi ko sabay napayuko.

"Etch Owkay." Sabi ni Alet habang may laman pa ang kaniyang bibig.

"Manners, Althea." Sabi ni Nicole habang si Caira naman ay parang pinipigilan ang kaniyang tawa. Ako rin ay natatawa dahil nakakatawa ang itsura ni Alet.

"Wateber." Sabi ni Alet sabay irap. Nagpatuloy sila sa pagkain habang ako ay nagbabasa lang. Nang matapos sa pagkain ay nagbihis na sina Nicole at Caira. Nang makalabas mula sa kwarto nila ay agad silang hinila ni Alet.

"LET'S GO!"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 12, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

She's A Goddess (Revised Edition)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon