SAG 8

840 45 2
                                    

Adriane's POV

Ngayon ay kumakain na kami sa isang mamahaling restaurant dahil si Nicole ang nagrequest. Madaming inorder si Nicole kaya hindi na lang kami nagorder na tatlo. Baka kasi hindi maubos yung pagkain atsaka naaawa kami kay Alet, baka mamulubi siya. Pinipilit pa nga kami ni Nicole na magorder ng marami para maubos ang pera ni Alet pero ang sabi namin ay baka hindi maubos ang pagkain kaya hindi na siya nagpumilit. Dumating ang pagkain namin at sinimulan na namin itong kainin at matapos kaming kumain ay dumating ang bill namin. Binigay ito kay Alet dahil siya ang magbabayad, pagtingin niya dito ay nanalaki ang mata niya. Nang masilip ko ito ay nagulat din ako dahil saktong sakto lang yung allowance ni Alet para pambayad sa kinain namin. Labag sa loob na inilabas ni Alet ang kaniyang purse at inilabas ang kaniyang pera na siyang allowance niya. Mabigat na loob na lumabas si Alet at sinundan lang namin siya.

"Anong oras na Nicole?" Tanong ko kay Nicole habang masaya siyang nialalantakan ang tinake-out niya french fries.

"Magseseven na, bakit?" Sabi sa akin ni Nicole. Napailing na lang ako sabay ngiti para sabing wala. Dumeretso na kami sa Boutique na pinagpatahian namin. Pumasok kami dito at nadatnan namin si Ms. Catheryn ma inilalagay sa isang paper bag ang isang damit. Humarap siya sa amin at ngumiti.

"Andyan na pala kayo. Sakto lang ang dating niyo dahil tapos ko na rin yung damit na pinapagawa niyo. Gusto mo bang sukatin iha?" Tanong sa akin ni Ms.Catheryn.

"Wag na po, sa bahay ko na lang po susukatin." Sabi ko kay Ms. Catheryn. Inilabas ko ang aking wallet at binigay sa kaniya yung pera na nandoon at mukhang sakto lang dahil kinuha niya ito. Pagkatapos non ay umalis na kami at nakisakay na lang ulit ako kay Alet at naglakbay na kami patungo sa Academy. Nang makalapag na kami ay nagpaalam na sila Nicole sa kanilang mga pet. Biglang may estudyanteng lumapit sa amin.

"Lady Nicole, Lady Caira, and Lady Althea. Pinapatawag po kayo ni Headmaster sa kaniyang Office." Sabi ng estudyante at umalis na rin agad.

"Pano na yan? Kailangan mo pa ng Spell Book di ba?" Tanong sa akin ni Nicole.

"Hindi, okay lang. Mas importate yan besides kaya ko naman yung sarili ko." Sabi ko sa kanila at binigyan sa ng sincere smile.

"Sigurado ka ha? Basta bumalik ka agad sa dorm, ah." Sabi sa akin ni Althea at tumango lang ako. Nagsimula na silang maglakad palayo sa akin at papunta sa Office ni Headmaster. Nagsimula na rin akong maglakad patungo sa Library. Ilang saglit pa ay narating ko na ito. Itinulak ko papasok ang malaking pinto na gawa sa kahoy, tumingin muna ako sa paligid bago tuluyang pumasok. Kakaunti na lamang ang mga estudyante na nandito sa library. Since isa akong newbie kailangan kong makahabol sa kanila kahit kaunti. Nagsimula na akong maglaad habang iniscan ang mga nakalagay sa bawat shelf. Una kong nakita ay ang history kaya ito ang una kong pinuntahan. Isa-isa ang tinignan ang mga aklat na nakalagay dito, hanggang sa mapadako ako sa isang libro. Lagas na ang pabalat nito at halatang walang nagbabasa nito. Kinuha ko ito at tinignan, walang nakalagay na pamagat dito. Nacurious ako sa laman nito kaya binuklat ko ito, Ancient History. Mukhang interesting, kumuha din ako ng History 1 and 2 at naglakad na ako patungo sa ibang shelf. Huminto ako sa Bookspell's Shelf, hinanap ko yung libro ng Basic Spell at Intermediate Spell. Kinuha ko ito at babalik na sana sa counter nang mapansin ko ang isang libro na nagliliwanag. Nilapitan ko ito at kinuha, nang mahawakan ko ito ay nawala ang liwanag na bumabalot dito ngunit kumikinang pa rin ito dahil gawa sa mineral na bato ang pabalat nito. Inilapag ko ang mga libro na nasa kamay ko bago ko binuklat ang libro ngunit wala itong laman maliban sa isang pirasong papel na naka-attach sa libro. Nakapagtaka dahil ni isang letra ay wala ang librong ito hindi ko nga alam kung matatawag pang libro ito. Kinuha ko na lang ito at kinuha na rin ang inilapag ko na mga libro. Nagtungo na ako sa counter kung saan nandoon ang librarian. Inilagay ko sa counter ang mga libro na dala ko, tinignan naman ako ng librarian.

"Name?" Tanong nito sa akin habang nakahanda na ang kaniyang ballpen.

"Adrian Lorrof." Sabi ko sa kaniya at isinulat niya naman ito.

"5:00 o'clock." Sabi niya at napakunot naman ang noo ko.

"Ano po ang ibig niyong sabihin?" Tanong ko sa kaniya habang nakakunot pa rin ang noo ko.

"Ibabalik mo ang libro ng alas singko ng hapon maliban na lang kung mayroon kang letter galing sa headmaster." Sabi niya sa akin habang nakataas ang isang kilay. Mukhang nababadtrip na sa akin itong librarian pero letter? Oo nga pala may iniwan na mga bagay si Headmaster kasama ang mga gamit ko at isa na dito ang Permission Letter para sa Library. Kinuha ko ito sa bulsa ko at ibinigay sa librarian. Binasa niya ito ng tahimik, pagkatapos niya itong basahin ay parang may isinulat siya doon sa parang record book na hawak niya.

"Pwede mong ibalik kahit kailan ang mga librong ito, maari ding ipangalan sayo ang tatlo sa nga libro dito. May napili ka na ba?" Sabi niya sa akin at ako naman ay pinagisipan ito. Kinuha ko yung aklat na ang pabalat ay gawa mineral na bato at ang Ancient History book.

"May Monster Classification po ba kayo?" Tanong ko sa librarian at tumalikod naman siya at nay kinuha sa shelf na nasa likod niya. Isang makapal na libro ang kaniyang inilabas at may alikabok na ito. Mukhang hindi na ito nagagamit at ngayon na lang ulit nahawakan. Pinagpagan muna ito ng librarian bago ito ibinigay sa akin. Isinama ko ito sa Ancient History book at yung aklat na may pabalat na gawa sa mineral na bato.

"Ito lang ba? Wala ka na bang idadagdag?" Tanong ng librarian na parang nasesense na may gusto pa akong kunin na libro. Ngumiti naman ako sa kaniya at inilabas ang listahan na ginawa ko kanina. Iniabot ko ito sa kaniya at tahimik niya naman itong binasa. Kumunot ang kaniyang noo habang binabasa ito, akala ko ay magagait siya sa akin pero pagkatapos niya itong basahin ay nginitian niya ako. Ngiti na parang nagsasabing magkakasundo kami. Kumuha siya ng isang rack na di tulak at sinimulan na naming kunin ang bawat libro na nasa listahan ko. Napatingin naman sa amin yung mga taong nasa library, parang nagtataka sila ngunit hindi ko naman alam ang dahilan. Nang matapos na naming makuha ang lahat ng libro ay binalikan namin ang libro na nasa counter at inilagay ito aa rack halos mapuno na yung rack sa sobrang dami ng librong nakalagay doon. Umalis na ako sa library pagkatapos makuha ang lahat ng kailangan ko at dumeretso na sa dorm. Isinalansan ko ang libro sa shelf na nakalagay sa kwarto ko. Pagkatapos non ay nagabasa pa ako ng iang libro bago natulog.

She's A Goddess (Revised Edition)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon