Adri's POV
This is it. Naglakad na ako patungo sa gate. Ng nasa tapat na ako nito ay bigla na lamang itong bumukas. Pumasok na ako at may pathway pang dadaanan bago ka makarating sa Main Building ng School. Ng marating ko ito ay may lalaki na nakatayo doon.
"Welcome to Light Academy. Please proceed to the Gymnasium for the assessment." Sabi ng lalaki habang nakangiti.
"Saan po dito yung gymnasium?" Tanong ko sa lalaki.
"Just go left and straight. After that makikita mo na yung Gymnasium." Sabi niya ng may ngiti pa rin sa labi. Hindi kaya siya napapagod sa kakangiti? Naglakad na ako sa direksyong tinuro niya hanggang sa marating ko ang Gymnasium. Marami ng tao sa loob at may nagsasalita na sa harap. Estudyante din ang nagsasalita dahil naka-uniform ito. Pumasok na ako at naupo sa pinakadulong upuan.
"Being a student you are obliged to follow the rules that the school have. Blah blah blah." Sabi ng estudyante sa harap pero hindi na ako nakinig. Nilabas ko ang librong binabasa ko at doon itinutok ang atensyon ko. Bigla na lamang nagpalakpakan ang lahat ng estudyante kaya napatingin ako sa harapan. Nakita ko ang isang lalaking mukhang matanda na dahil sa puti nitong buhok at sa balbas nito. Nakatingin ito sa akin kaya umayos ako ng tayo.
"I am Ricardo Rune, the Headmaster of this school. First, I want you to listen while someone is speaking." Sabi nito at tumingin sa direksyon ko. Napalunok ako.
"Second, I'm not tolerating any kind of bad attitude. I hope that you'll all follow that. Anyways, please proceed to the Sakura Forest for your Entrance Exam. And about your things, leave it here." Sabi ng Headmaster. Agad namang nagsitayuan ang mga First Year or Begginer, Second Year or Apprentice, Third Year or Master, Fourth Year or Virtuoso, and lahat ng magtra-transfer. Naglakad na sila palabas kaya sumunod rin ako. Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa marating namin ang isang Forest. Biglang lumitaw ang Headmaster sa harapan.
"This is a practical test that will test your skills and strength. You'll be facing monsters inside this forest and everytime you kill one, you will have a point. Points depend on the class of the monster that you will kill. If you were killed inside the forest, you'll be transported in the field. You'll be given a transporter each, you can use this when you can't continue or you are contented with your points. You can now enter the forest." Sabi ni Headmaster at agad namang nagsipasukan ang mga estudyante. Hinayaan ko lang sila na makapasok na lahat bago ako pumasok. Naglalakad lang ako at may nakakasalubong akong mga Class F monster na puro mga one point, ginagamitan ko lang sila ng basic offensive spell. Nakabase ang class sa mga bato sa katawan nila. Nakakailan na akong mga monster ngunit mababa pa rin ang points ko. Nasa pusod na ako ng gubat at ang mga nakakasalubong ko ay nga Class C monster na. Medyo malalakas ang mga ito kaya hindi na agad sila namamatay sa mga spell ko at medyo nahihirapan na rin ako dahil masyado silang mabibilis. Marami na akong galos sa katawan dahil sa mga huling laban ko. Nang matapos ako sa tatlong mga Troll ay naglakad na muli ako. Nagulat na lamang ako ng bumulaga sa akin ang isang Centaur, isang kalahating tao at kalahating kabayong monster. Isa itong Class A at hindi ko ito mapapatumba sa mga spells ko. Sinummon ko si Alches at Dem, si Alches ang Archangel ko at si Dem naman ang Demon ko. Lumabas na sila, si Alches ay nakangiti habang si Dem ay nakasimangot.
"Anong kailangan mo bata?" Tanong ni Dem at inirapan ako.
"Kailangan ko ng tulong niyo na talunin iyan." Sabi ko sabay turo sa Centaur.
"Napakalampa mo talaga bata!" Sabi ni Dem at sinugod ang Centaur.
"Pagpasensyahan mo na si Demonyita, may mens." Sabi ni Alches at natatawang sinundan si Dem. Agad nilang nagapi ang Centaur. Nagpatuloy lang kami sa paglalakad habang nakwekwento si Alches ng mga nangyayari si Alri Dimension. Ang Alri Dimension ay isang Dimension for Gods, dito rin nakatira ang mga sinusummon na creatures. Si Alches ay ang anak ng kanang kamay ni Zues habang si Dem ay anak din ng kanang kamay ni Hades. Nakikinig lang ako kay Alches habag si Dem ay nakasimangot. Marami na din kaming nakasalubong na Class B at A na mga monster pero nagagapi nila ito. Tinutulungan ko sila sa pamamagitan ng pagcast ng mga spell. Narating namin ang pinakadulo ng gubat.
"Seems like this is the end." Malungkot na sabi ni Alches.
"Finally! I've been waiting for these for ages!" Sabi ni Dem.
"Tawagin mo ulit kami, Amethyst. Nabuburyong kasi ako sa Palasyo ni Zues. Wala akong maka-usap. O siya sige, dito na kami." Sabi ni Alches at nawala na lang silang bigla. Pipindutin ko na sana ang transporter ng biglang may sumugod sa akin na monster. Nabitawan ko ang transporter at hindi ko na alam kung nasaan ito. Tinignan ko ang monster na sumugod sa akin. Isang Black Gem monster. Isang Class X. Isang Black Pegasus, kahit kulay black ito ay kitang-kita pa rin ang nagniningning na black gem sa noo nito. I'm dead. Super dead. Nadismiss ko na sila Alches at Dem at hindi ko na sila pwedeng pabalikin dahil sa isang araw ay isang beses lang sila pwedeng isummon. Wala akong ibang choice kundi labanan ito hanggat hindi ko pa nahahanap ang transporter ko. Ginamit ko ang mga fatal spells na alam ko habang todo iwas sa mga tira niya. Bigla niya akong tinira at hindi ko ito namalayan kaya natamaan ako sa tagiliran ko. Napaupo ako sa lupa. Lumapit sa akin ang pegasus at ipinatong ang paa niya sa tiyan ko. Isip Kendra, Isip! Biglang nagliwanag ang singsing na binigay sa akin nila Mom at Dad. At nagulat na lamang ako ng tamaan ng isang matulis na bagay ang noo ng Pegasus kung saan nakalagay ang kaniyang Black Gem. Nagliwanag ang noo nito at nalaglag mula dito ang isang Black Gem. Hahawakan ko na sana ito ng bigla itong naglaho. Tumayo na lamang ako at hinanap ang nawawala kong transporter. Nang mahanap ko na ito ay agad ko itong pinindot. Binalot ako ng isang nakakasilaw na liwanag na siyang nagpapikit sa aking mga mata. Nang imulat ko ang aking mga mata ay nasa field na ako kung saan naroroon na rin ang halos lahat ng nagtake ng Exam. Inalalayan ako ng mga In-charge na Nurse at ginamot na nila ang mga sugat ko. Masakit na talaga ang katawan ko. Kaunti na lang at bibigay na ito. Pagkatapos nila akong gamutin ay naghintay din katulad ng ibang mga estudyante hanggang sa makumpleto kami.
BINABASA MO ANG
She's A Goddess (Revised Edition)
FantasiLife And Death. That is her powers. To create life or to take it. Love and Hatred. This is her Problem. Whether to hate or just love. Her Life or the Life of all Beings. This is what she need to decide. To sacrifice her life for all the people that...