SAG 3

1.1K 57 1
                                    

Adri's POV

Nakita ko ulit yung babaeng lagi kong napapanaginipan. Tumatakbo siya ngayon sa kakahuyan habang nasa bisig niya ang isang sanggol. Tumakbo lang ito ng tumakbo hanggang sa marating ito sa pusod ng kakahuyan.

"I'm sorry... I'm sorry... I have to do this to you, my child." Umiiyak na sabi ng babae. Umiiyak na rin ngayon ang sanggol. May sinabi yung babae na hindi ko maintindihan. Biglang nagkaroon ng bilog sa harapan nila at pumasok ang babae doon. Lumabas sila sa isang hardin. Inilapag niya ang bata at may ikinabit na kwintas dito ngunit hindi ko makita ang itsura ang kwintas na iyon. Pumasok ulit ang babae sa bilog at lumabas na siya sa harap ng isang kastilyo. Pumasok ito sa kastilyo ngunit humarap ito sa likod at ngumiti na parang nakikita niya ako dahil ako lamang ang tao sa likod niya.

"I miss you, my child."

Nagising ako sa sinag ng araw ng tignan ko ang orasan ko ay alasais pa lamang ng umaga. Bumangon na ako habang kinukusot ang aking mga mata. Pumasok na ako ng banyo at naligo. Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na ako ng aking damit. Nakasuot ako ng isang fit na jeans at isang t-shirt na may tatak na 'Nerd' sa harapan. Nagsuot lang ako ng doll shoes at lumabas na ng aking kwarto. Nagtungo ako sa Dining Table at nandoon na sila Mom at Dad.

"Good morning, Mom and Dad." Sabi ko at nagkiss sa cheeks nila.

"Good morning, Baby." Sabi ni Mom.

"Good morning, Princess." Sabi naman ni Dad. Kumain kami ng tahimik, tunog pang ng kubyertos ang maririnig aa amin. Pagkatapos naming kumain ay lumabas na kami ng bahay at sumakay sa kotse. Habang nasa biyahe ay nagpatugtog lamang si Dad at walang nagsasalita sa amin. Naalala ko naman tuloy ang mga kwento sa akin ni Mom noon. Hindi ako tunay na anak nila Mom at Dad. Napulot lang nila ako sa isang hardin kung saan sila nagde-date noong gabing iyon. Pinalipas nila ang araw bago nila ako legal na ampunin baka daw kasi may maghanap. Nang walang maghanap sa akin ay inampon ako nila Mom at tinuring na parang tunay na anak. Wala silang anak dahil hindi kaya ni Mom na magbuntis dahil sobrang hina ng katawan niya. Nang ika-pitong kaarawan ko ay sinabi sa akin nila Mom and Dad ang totoo. Kahit bata pa lang ay naiintindihan ko ito. Sinabi rin nila sa akin na hindi sila normal na tao. Pinakita nila sa akin ang kanilang mga kapangyarihan. Si Mom ay isang Sorceress at may lahing Fairy. Si Dad naman ay isang summoner at may lahing Wolf. Simula noon ay tinuruan nila ako ng mga spells at trinaining din nila ako. On my tenth birthday, pinamana sa akin nila Mom at Dad ang kapangyarihan nila pero may nangyaring aksidente kaya hindi na nila ako hinayaan gumamit ulit ng kapangyarihan. Ang namana ko kay Mom ay ang pagiging Sorceress niya at ang namana ko namana kay ang pagiging Summoner niya. Pero limited lang yung namana ko kay Dad, ang kaya ko lang isummon ay isang Archangel at isang Demon. Tinuruan ako ni Dad at Mom ng iba't-ibang uri ng pakikipaglaban magmula bata katulad ng hand to hand combat. Tinuruan din nila ako ng paggamit ng iba't-ibang weapon. Nang makita nila ang galing ko sa pakikipaglaban ay ibinigay nila sa akin ang isang singsing na may bato na itim sa gitna. Isa daw itong special weapon na galing pa sa mga ninuno nila. Gamitin ko daw ito kapag kinakailangan. Nagpatuloy ang biyahe naman at hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Paggising ko ay nasa mapunong lugar na kami.

"Oh, gising ka na pala, baby. Kumain ka muna baka malipasan ka ng gutom."Sabi ni Mom at inabot niya sa akin ang isang tapper ware na naglalaman ng pagkaing siya mismo ang nagluto kaninang umaga. Nagsimula na akong kumain habang pinagmanasdan ang paligid.

"Malapit na po ba tayo Mom?" Tanong ko kay Mom.

"Oo, baby. Malapit na tayo." Sabi ni Mom.

"How will I get in? May Entrance Exam po ba?" Tanong ko ulit kay Mom pero si Dad ang sumagot.

"Meron pero hindi siya katulad ng iba na written test. Ang entrance exam nila ay isang practical test kung saan susubukin ang iyong lakas." Sabi ni Dad. Natahimik naman ako doon. What if I don't make it? Baka madisappoint sila Mom at Dad.

"Don't worry, baby. You'll make it." Sabi ni Mom at binigyan ako ng isang reassuring smile.

"Thank you, Mom and Dad." Sabi ko na lang. Nagkwentuhan lang kami nila Mom at Dad hanggang sa marating namin ang pinakadulo ng daan, isang malaking puno. Bumaba sila Mom at Dad sa kotse kaya bumaba na rin ako. Nakita ko si Dad na ibinababa ang lahat ng gamit ko. Ang dala kong gamit ay isang backpack at dalawang maleta. May dala rin akong isang laptop, ginagamit ko ito for research purposes. Mahilig akong magcollect ng data and turn it into an article. Ewan ko ba, basta nahilig na lang ako doon. Nakita ko naman si Mom na nasa harap ng malaking puno at may sinasabi na hindi ko masyadong marinig dahil malayo ako sa kanya. Bigla na lang nahati ang katawan ng malaking puno at nagkaroon ito ng parang portal. Lumapit na kami ni Dad kay Mom.

"Mag-iingat ka lagi doon anak. Don't skip your meals. Always sleep on the right time. Focus on your study." Maluha-luhang sabi ni Mom. Sa tanang kasi ng buhay ko ay ngayon lang kami magkakahiwalay.

"Mag-iingat ka doon anak. Protect yourself and stay away from danger. Wala na kami doon para mag-alaga sayo." Sabi naman ni Dad.

"I can take care of my self, Mom and Dad. Mag-iingat ako doon and I'll stay away from danger. I can do this." Sabi ko sa kanila at niyakap ko sila.

"We know. We know." Sabi ni Mom habang pinupunasan ang kaniyang mga luha.

"My baby is now a lady. Make friends there, okay?" Sabi ni Mom at hinalikan ako sa cheeks.

"I will mom." Sabi ko at hinalikan din siya sa cheeks.

"Be brave, we know you can make it." Sabi ni Dad at hinalikan ako sa ulo ko. Hinalikan ko naman siya sa cheeks.

"Osige na, baka malate ka pa sa Assessment." Sabi ni Mom. Once again I bid my goodbyes at naglakad na patungo sa portal. Nang lumabas ako sa portal ay nakita ko ang isang napakalaking gate at may nakaengrave na 'Light Academy' sa taas. This is it!

She's A Goddess (Revised Edition)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon