Alex's POV
Katatapos lang namin kumain. Magkatabi kami sa sofa habang nanunuod.
SILENCE.
"Alex. I'm sorry. Sorry sa nagawa ko. Hindi ko kasi pinakinggan yung sinabi mo na hindi mo sinasadya yung nangyari." Biglang basag nya sa katahimikan.
"It's ok Stan. Alam ko naman kasi na yun talaga yung tingin mo sa akin eh. After all I'm a b*tch, right?" Sarkastikong sabi ko.
"Hindi naman ganun talaga yung tingin ko sayo eh. Nadala lang ako ng emosyon ko."
"Stop lying Stan." Bakit ba ako pumayag na maging ok ulit ang lahat? Tsk!
"Please Alex, give me a chance." Hala! Ano daw? Nabingi na ata ako. Sh*t nahahawa na ako kay Manang! Haha.
"I promise to you. Rerespetuhin na kita bilang asawa ko." Napatanga lang ako sa sinabi nya.
"Siguraduhin mo lang Stan! Dahil kapag nakita pa kitang may kalampungan sa tabi-tabi, ipapakita ko sayo ang pagiging maldita ko." Dinuro ko pa sya.
"Thanks Alexandra." Then he hugged me.
Wa-wait... He called me ALEXANDRA right? Pero bakit parang ok lang sa akin? Or nabingi na naman ako? Makapag linis na nga ng tenga mamaya.
Lumipas ang mga araw, naging maayos na ang relasyon namin ni Stan. Hindi naman as in relasyon, kasi hindi naman namin mahal ang isa't-isa, right? Hindi ko na kasi sya nakikitang may kaflirt. Minsan din kasabay namin sya nila Georgia mag Lunch. Tingin ko nag improve ang pakikitungo namin sa isa't-isa.
Papunta na ako sa parking lot para umuwi at kung minamalas ka nga naman.
May isang nilalang na nakasandal sa kotse ko. Teka! Sinandalan ang kotse ko? Ang kapal ng mukha nito ah! Feeling cool pa sya!
Lumapit agad ako.
"Ahmm ... A-Alex." Dumiretso sya ng tayo.
"Who the hell are you?" Iritadong sabi ko.
Ayoko sa lahat yung sinasandalan kotse ko eh, pwede pa sana kung close kami, kaso hindi ko sya kilala eh.
"I-Im Adam." Alanganing sabi nito.
"So what?"
"Can you go out with me?" Dire-diretsong sabi nya.
"Sa tingin mo bakit ako papayag sa alok mo? Eh hindi nga kita kilala! At kung pwede, wag kang humarang dyan sa kotse ko!" Sigaw ko.
"What's happening here?" Biglang dumating si Stan.
"Please Alex. Give me a chance." Pagmamaakawa ni Allan? Aso? Ewan!
"No."
"Please Alex. Kahit isang beses lang." Lumapit pa sya.
"Alin ba sa NO ang hindi mo maintindihan?" Lumuhod sya sa harap ko.
"Alex. Please~"
( PAKK ) Sinampal ko ng matauhan.
"Siguro naman naiintindihan mo na?" Mataray na sabi ko.
"Hey Alexandra." Suway ni Stan.
Kumaripas na ng takbo yung Allan? Ellen? Ah basta!
"Uuwi ka na ba?" Tanong nya.
"Obvious ba?" Mataray kong sagot.
"Ah sige. Mamaya pa ako uuwi, may pag-uusapan pa daw kami ni Tito Antonio." Biglang naagaw nya ang atensyon ko.
"Si Daddy? Bakit?"
"Ewan ko." Nagkibit balikat lang sya.
"Sasama ako."
BINABASA MO ANG
My Brutal Wife
HumorKilala si Stanley Martin sa pagiging babaero sa school, yung tipo na walang sineseryoso na babae at parang laruan lang para sa kanya. Well, hindi nyo sya masisisi dahil sa angkin nitong kagwapuhan na kahit sino ay talagang mapapalingon. Hanggang sa...