Chapter 36: Kiss.

8.9K 171 1
                                    

Alex's POV

Maagang nambulabog si Coach Sarah sa mga kwarto. Kahit labag sa loob ko ay bumangon na rin ako.

Dumiretso na rin ako sa C.R at naligo. Hindi ko alam kong gaano ako katagal nakatayo sa harap ng shower. Lutang talaga ako sa antok.

"Alex! Dalian mo naman. Natulog ka na ata dyan." Natauhan ako sa sigaw ni Stan.

"Pwede maghintay?" Inis na sigaw ko.

"Tsk!" Kasunod nun ay ang malakas na pagkalabog ng pinto.

Pagkatapos kong mag ayos ay agad akong bumaba para kumain. Nandoon na sina James, Stan, at Jc. At dahil pinagigitnaan nila si Stan, hindi na ako tumabi sa kanya. Umupo ako sa bakanteng upuan katabi ni James.

Tahimik lang kaming kumain. Hangggang dumating na ang iba pa naming kasama. Lahat kami tahimik. May mga hang-over pa.

Dahil nauna na naman kaming kumain, kami rin ang naunang matapos.

"Alex, Stan, Jc, at James. Swimming tayo mamaya." Sigaw ni Coach Gerald.

"Yes Coach."

Dahil sa narinig kong 'yun, bigla akong nagka buhay.

Pagdating ko sa kwarto agad kong hinanap 'yung swimsuit ko.

Tada~! Red two piece.

"Ayan susuotin mo?" Tanong sa akin ni Stan mula sa likuran ko.

"Oo. Alangan namang mag brief ako." Sagot ko sabay irap.

"Alexandra ah. Iwas-iwasan mo yang pang-iirap mo." Utos nya sa akin.

Tinignan ko naman sya sabay irap ulit.

"Alex!" Suway nya ulit sa akin.

"Oo na." Pumasok na ako sa C.R at nagbihis.

Nasa harap na kami ng dagat at wala pa ni-isa sa amin ang nagtangkang lumangoy. Busy pa kasi sa paglalagay ng sun block.

"Stan, lagyan mo nga 'yung likod ko." Utos ko sa lalaki sa likod ko. Naka-upo kami sa cottage.

"H-Ha?" Nilingon ko sya.

"Lagyan mo ako ng sun block sa likod ko." Inabot ko sa kanya yung lotion at tumalikod na.

"Ah. S-Sige."

Nararamdaman ko ng nilalagyan ni Stan 'yung likod ko. Bakit parang nanginginig 'yung kamay nya?

"Ok ka lang Stan?" Nang-aasar kong tanong.

"O-Oo."

"Bakit nanginginig 'yung kamay mo?"

"H-Ha?! Hindi naman ah."

"Talaga lang ah. Bat ka nauutal?" Pang-aasar ko pa sa kanya.

"Alam mo ba kung bakit?" Naramdaman ko yung hininga nya sa leeg ko. Kinilabutan ako. "Ang sexy kasi ng asawa ko."

Agad na hinarap ko sa kanya ang katawan ko. Kaso wrong move! Nagtama yung labi namin. Nanlaki pareho yung mata namin. Unang nakabawi sa pagkagulat si Stan.

Halos manlambot ako sa sunod nyang ginawa. Pinapalalim nya ang halik namin. No choice. Sinabayan ko na sya. Haha.

Ginapang ng kanang kamay ni Stan ang likod ko. Akyat-baba. Hanggang sa huminto sa batok ko. Ang dalawa ko namang kamay sa nakapatong sa dib-dib nya. Ang isa nya namang malikot na kamay ay gunmagapang sa...HITA ko! Para akong natauhan sa ginagawa namin, kaya ako na ang humiwalay.

Halos naghahabol kami ng hininga.

Napahawak pa sya sa batok nya, parang nahihiya. Ang cute!

Pinagdikit nya ang noo namin.

"Ang sexy kasi ng asawa ko eh. Hindi ko mapigilang halikan." Sabi nya.

Napangiti na lang ako.

Magkahawak-kamay kaming naglakad ni Stan palapit sa dagat.

'Wow! Lover's in beach!' Sigaw ni Jc sa amin.

"Shut up Jc!" Suway ni Stan.

Naghiwalay din naman kami ng kamay nung nasa dagat na.

"Babe, wag kang pupunta sa malalim ah?" Paalala sa akin ni Stan.

Pero dahil si Alex ako at matigas ang ulo ko ay lumangoy pa rin ako sa malalim.

Wow~ Ang sarap! Nakaka relax! Nag floating lang ako.

"Ahh~" Medyo nag-panic ako kaya lumubog ako. Bigla kasing may humawak ng paa ko. Agad namang may humawak sa bewang ko at inangat ako.

"Ok ka lang Babe?"

Si Stan pala.

"( Cough. Cough ) Papatayin mo ba ako gulat?! Nakaka-inis ka."

"Ikaw kasi eh. Sabi ko naman sayo 'wag kang pupunta ng malalim eh."

"Marunong naman akong lumangoy eh."

"Paano kung napulikat ka? Tignan mo nga yung life guard dun! Tulog!" Napatingin ako sa life guard. Totoo nga.Haha.

"Ano ka ba? Ok lang ako diba?" Nagulat ako ng niyakap nya ako ng mahigpit.

Ang mas kinagulat ako ay halikan nya ako at lumubog kami sa ilalim.

Hala! Hindi ako ready. Nagpupumiglas ako dahil nauubusan na ako ng hininga. Mas nakakagulat pa pala ang ginawa ni Stan ngayon. Ano 'yun? Binigyan nya lang naman ako ng hangin galing sa kanya. Hindi ko mapigilang ngumiti sa ginawa nya.

Umahon din naman kami at hingal na hingal.

Pabiro ko syang hinampas.

"Kung ano-anong kalokohan 'yang pinag-gagawa mo ah." Suway ko sa kanya.

"Hindi 'yun kalokohan Babe. Basta ikaw ang kasama ko, hindi ko talaga mapigilan ang sarili ko na halikan ka." At sa isang iglap, magkalapat na naman ang labi namin. Pero sandali lang naman 'yun.

"Hindi ko talaga mapigilan. I love you babe."

"I love you too." Napapa iling kong sagot.

-------------------------------------------------------------

Maria's Note:

At dahil may hindi kanais-nais na taong tumawag sa akin habang ginagawa ko tong chapter na to, na-distract ako kaya ayan ang kinalabasan, medyo nga-nga. Nawala ako sa concentration. Sa susunod papatayin ko yung tumawag este yung cp ko kapag magta-type ako para everybody HAPPY! Haha.

Love yah!

My Brutal WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon