Chapter 42: Grocery.

8.8K 126 6
                                    

Happy 4k reads sa iyo, sa kanya, at sa akin! :))

------
Alex's POV

Kagaya ng mga ordinaryong araw, sabay kaming pumasok ni Stan. Hinatid nya lang ako sa room at umalis na.

Nadatnan kong nakayuko si Amanda habang nakatayo sa harap nya si Georgy at nakapameywang.

"Amanda naman!" Inis na sabi ni Georgy.

"Anong eksena 'to?" Singit ko sa kanila.

"Ano pa ba? Edi issue ng pagpayag ni Amanda na ligawan sya ni James." Halata sa boses ni Georgy na inis talaga sya.

"Inlove na ata eh." Nang-aasar na sabi ko.

"Ang sakit sa ulo." Nasapo ni Georgy ang ulo nya at naupo. "Gusto ko syang maka-usap."

[Maria's Note: Gagawa rin ako ng story ni Amanda at james. Malalaman nyo kung bakit ganun ang pagpoprotekta nila Alex at Georgia kay Amanda.]

Agad na napatingin si Amanda kay Georgy.

"G-Georgia." Mangiyak-ngiyak na sabi ni Amanda. Tumingin sya sa akin at parang nanghihingi ng tulong.

Dinilaan ko lang sya. Haha.

Maagang natapos ang klase namin dahil absent ang huling prof. namin.

Nawiwindang lang ako dahil sunod-sunod na ang project at thesis namin.

Dumaan muna ako sa room nila Stan. Mag go-grocery pa ako.

"Hi Alex." Nakangiting bati nya sa akin ni Ian.

"Si Stan?" Ngumiti lang din ako. Mukhang wala pa silang klase.

"Martin! May naghahanap sayo!" Sigaw nya sa loob.

"Sino?" Narinig ko namang sigaw nya.

Ano ba 'to? Sigawan? Dapat kapag may naghahanap sayo, lumabas kaagad! Hindi yung magtatanong pa!

"Babae mo!" Sigaw nung classmate nya.

"Anong pangalan?" Sigaw naman ni Stan. Aba lintek to ah.

Tinulak ko yung classmate nya na nakaharang sa pinto, pumasok na ako sa loob. Napatingin sa akin yung mga classmate nyang babae.

Nakatalikod sya sa akin. May ginagawa sya eh.

"Stan! Stan! Si Alex!" Sigaw sa kanya ni Jc.

Napatingin naman sa direksyon ko si Stan.

Naglakad na ako palapit sa pwesto nila. Tumayo lang ako sa harap nya.

"Marami ka bang babae sa buhay mo ha?" Inis na sabi ko, hindi naman ako sumisigaw.

Napatayo na si Stan.

"H-Hindi. A-Ano. Nagbibiruan lang kami ni Ian!" Ngingiti ngiti nyang sabi.

"Pahiram ng susi." Nilahad ko na sa kanya yung kamay ko.

"Susi?"

"Oo, susi ng kotse mo." Napatingin na sa amin yung iba nilang classmate.

"No." Matigas nyang sabi.

"Mag gogrocery ako."

"Maraming taxi."

"Ano..Hindi kakasya sa taxi." Pagpapalusot ko, sana pahiramin nya na ako.

"Edi mag dalawang taxi ka."

"Magastos masyado."

"Ok lang, basta safe ka."

Ano pa bang ipapalusot ko dito.

Napatingin ako kay Jc, busy sya sa kung ano mang ginagawa nya.

"Jc!" Sigaw ko sa kanya.

"Bakit?"

"Pahiram ng susi ng kotse mo." Nilahad ko na ang kamay ko sa kanya. At wala sa sariling inabot nya agad sa akin yun.

"JC!!" Suway sa kanya ni Stan.

Hinablot ko agad sa kamay nya ang susi at tumingin ako kay Stan sabay dila.

"Alex, ibalik mo ang susi." Pag-uutos sa akin ni Stan.

"No." Matigas kong sabi.

"T-Teka, ano bang nangyayari dito?" Naguguluhang sabi ni Jc.

"Pahiram muna ako ng kotse mo, mag go-grocery ako."

"Alex pang chiks lang yung kotse ko, hindi yun pang grocery."

"Hayaan mo bibili ako ng sisiw. Bye Guys!" Paalam ko at umalis na.

"Alex, drive safely." Pahabol na sigaw ni Stan.

"Ok."

Nakarating na ako sa parking lot at nakita ko agad ang kotse ni Jc, paano ko nalaman? May nakalagay lang naman na "Jc Boy" pinto ng kotse nya. Pang chiks nga talaga ang kotse nya.

"Alex?" Napalingon ako sa tumawag sa akin.

"Oh Felix?" Lumapit sya sa akin.

"Long time no see."

"Oo nga eh. Ano pala ang ginagawa mo dito? May pasok pa kayo ah?"

"Tinatamad ako eh. Hehe."

"Sira ka talaga. Saan na ang punta mo ngayon?"

"Wala eh. Ikaw?" Napatingin sya sa kotse.

"Mag gogrocery ako, nanghiram lang ako ng kotse."

"Samahan na kita?"

"Are you sure?"

"Oo." Sumakay na ako sa kotse ni Jc, sumakay na rin sya sa kotse nya.

Supermarket.

Kumuha ako ng isang malaking push cart. Sya ang nagtutulak nun, habang ako naman ay tinitignan sa listahan ang mga kailangan namin.

Nung nakuha ko na ang lahat ay dumaan kami sa wine section.

"So, kamusta ang buhay?" Tanong nya sa akin, nasa likod ko kasi sya.

"Hmmn. Ok naman."

"Eh ang buhay may asawa?" Napatigil ako.

"Happy."

"Good to hear that. Hmn, try mo 'tong brand na 'to. Masarap 'to." May inabot sya sa aking bote. Nakatingin lang ako sa kanya.

Nung natapos na kaming magbayad ay tinulungan nya akong ilagay sa kotse lahat, sorry na lang talaga si Jc.

Napatingin ako sa wrist watch ko. 2pm na.

"Lunch?" Pag-aaya sa akin ni Felix. Tumango na lang ako.

Napag desisyunan naming kumain sa resto na pinagtrabahuhan namin dati. Sa resto/bar ni Mr. Santos. Pareho kaming singer, dito rin kami nagkakilala at nagkaroon ng relasyon.

"Hayyy.. Nakakamiss." Sabi nya.

"Oo nga."

Masaya naman kaming kumain. Pero walang nag-uungkat ng nakaraan.

3.30pm ng mapag desisyunan kong umuwi. 6pm kasi ang out nila Stan.

--------------------------------------------------------------

Maria's Note:

I know. Boring tong chapter na to. Napaginipan ko kasi yung crush ko. Haha!

Vote and comment.

Bukas na lang ako mag lalagay ng dedication, pepon lang kasi gamit ko ngayon.

Love yah!

My Brutal WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon