Alex's POV
Nasa gilid kami ng pool at masayang nagkekwentuhan habang umiinom ng wine.
Nauna ng pumasok sa loob si Sam, masama daw ang pakiramdam.
"Hija, paano mo nagawa yun?" Nakangiting tanong sa akin ni tito.
"Yung pag sapak ko po ba?"
"Oo. Ang lakas mo."
"Kapag sobrang galit ko talag ako dito, hindi ko na mapigilang sumabog kaya nakakasakit talaga ako." Sabi ko.
"Masama ka pa lang galitin?" Natatawang sabi ni Tito.
"Opo tito. Masama talaga akong galitin." Nakangiting sabi ko sabay tingin kay Misa.
Kanina ko pa napapansin 'to eh. Kung makalingkis kay Stan daig pa ahas. Pinagbibigyan ko lang dahil kaibigan nya naman eh.
"Bakit ang lakas mong sumuntok? Hindi ka manlang nasaktan?" Tanong ni Misa.
"Nag-aaral ako ng taekwondo. Actually kapag tumama yung kamay mo sa taong makapal ang mukha, talagang masakit." Double meaning yun! Haha.
"Ganun?" Sabi nya sabay inum ng wine.
"Maiwan ko na kayo. May meeting pa ako bukas." Pagpapaalam ni tito at umalis na.
Nakaka o.p dito. May pinag-uusapan sila na hindi ko naman maintindihan.
"Akyat muna ako, titignan ko si Sam." Sabi ko.
"Mabuti pa nga Alex. Ikaw naman nagdesisyon na break na sila eh." Sabi ni Misa sabay inum ng wine.
Tumayo ako sa harap nya. Napasinghap naman sya.
"Sasakit siguro yung kamay ko kapag tumama sa mukha mo." Sabi ko na kunwari nag-iisip pa.
"Alexandra." Suway sa akin ni Stan.
"Yes Babe?" Nilingon ko sya ng nakangiti.
"Puntahan mo na si Sam."
"Ok." Sabi ko, nginitian ko muna si Misa bago ko sya irapan.
.
.
.
.
"Sam?"
"Ate? Pasok ka."
Pumasok ako sa kwarto nya, nakaupo lang naman sya sa kama.
"Ok ka lang?"
"H-Hindi po ate." Sabi ni Sam at nag-umpisa ng umiyak. Niyakap ko sya.
"Sshh. Tahan na Sam. Wag ka sanang magagalit sa akin dahil sa ginawa ko."
"No ate, natauhan po ako dahil sa ginawa mo. Thank you."
"You're welcome Sam. Marami pang ibang lalaki dyan. Mas worth it sa pagmamahal mo."
"Salamat po talaga Ate." Bumitaw na sya sa pagkakayap namin at pinunasan ang luha nya.
"N-Nasaan po si kuya?"
"Kasama si Misa sa baba."
"Ah, yung ex nya." Pabulong nyang sabi.
"Anong sabi mo Sam?"
"Yung ex po ni kuya."
"Si Misa? Ex ni Stan?"
"Opo ate. Hindi ba nya sinabi?" Nakakunot-noo nyang sabi sa akin.
"H-Hindi eh."
"Siguro po kinalimutan nya na yun."
"A-Ano bang meron sa kanila?" Nag-aalangan yung tingin nya sa akin.
"Niloko po ni Ate M-Misa si Kuya. Pinagpalit nya sa iba. 1 year po silang magkarelasyon."
So ganun? Kaya pala ganun ka-sweet si Misa kay Stan, at pinapabayaan nya lang yun.
"Ang alam ko po, kaya bumalik dito si Ate Misa ay para maging sila ulit ni kuya. Ate, wag mong hahayaan na maagaw sayo si Kuya."
"S-Sige Sam. Matulog ka na. Bababa na ako."
Habang pababa ako sa hagdan, hindi ko maiwasang isipin na naloko ako. Siguro nga kinalimutan na talga yun ni Stan kaya hindi nya na nakwento sa akin. Tama.
Papunta na ako sa pool para yayain si Stan na matulog, dahil inaantok na rin ako.
Kaso sa nakita ko, biglang nabuhay lahat ng dugo ko sa katawan.
Bakit?
----------------------------------------------
Maria's Note:
Omo! Anong nakita ni Alex?! Katapusan na ba ng buhay ni Misa?
Abangan... Haha!
Vote.Comment.Share.
Love yah!
BINABASA MO ANG
My Brutal Wife
HumorKilala si Stanley Martin sa pagiging babaero sa school, yung tipo na walang sineseryoso na babae at parang laruan lang para sa kanya. Well, hindi nyo sya masisisi dahil sa angkin nitong kagwapuhan na kahit sino ay talagang mapapalingon. Hanggang sa...