Alexandra's POV
"Valentines Day na bukas!!" Sigaw nung classmate namin na babae.
Agaw eksena!
"Alam namin! Hindi lang ikaw ang may calendar sa bahay nyo!!" Sigaw ko sa kanya.
Napuno ng tawanan sa room.
"May date ba kayo Alex?" Tanong ni Amanda.
"Ewan ko lang." Walang gana na sagot ko.
"Anong klaseng asawa meron ka? Tsk!" Sabi ni Georgy.
"Bakit ikaw? May date ba kayo ng jowa mo? Busy 'yun!" Pang-aasar ko sa kanya.
"May anak naman ako na makakasama. Bakit ikaw? Meron?" Pang-aasar naman nya.
"Magkakaroon din ako nyan! Mas marami kesa sayo!" Sagot ko naman.
"Ano ba yan! Usapang anak!" Singit ni Amanda.
"Bakit gusto mo na rin ba?" Sabi ni Georgy.
"Hoy babae, wag mo akong uunahan ha? Magwawala talaga ako." Pagbabanta ko sa kanya.
"Ang tagal mo pa kasi. Siguro mga 6 or 7 years ka pa." Sabi ni Amanda na parang nag-iisip.
"Baka naman baog ka kaya wala parin." Natatawa pa si Georgy.
"Kapag ako talaga nagka-anak, tignan mo lang Georgy."
.
.
.
.
Natapos ang klase na puro asaran lang kaming tatlo, kahit may prof.
Kahit nasa parking lot na kami, wala pa rin kaming tigil.
Nakauwi na rin kami sa bahay at katatapos lang namin kumain. Napagdesisyunan naming magpalakad-lakad muna sa labas. Holding hands pa! Haha.
"Babe date tayo bukas?" Tanong sa akin ng kasama ko.
"May pasok tayo bukas."
"Half day lang naman 'yun eh."
"Maraming tao bukas. Makikisabay tayo? Maraming araw naman tayo pwedeng mag-date eh."
"Iba pa rin naman 'yung araw ng mga puso."
Nilingon ko sya. Nakangiti syang nakatingin sa akin.
"Oo na."
Nagpatuloy na kami sa paglalakad.
"Narinig ko 'yung asaran nyo nila Georgia kanina."
"Baliw 'yung mga 'yun eh."
"Gusto ko na ring magka-baby." Pumwesto sya sa likod ko at niyakap ako. Pero naglalakad pa rin kami, medyo mabagal na nga lang.
"Mag-aaral pa ako."
"Pagka-graduate mo kasi magtatrabaho ka pa." May halong lungkot ang boses nya.
"Syempre. Para kapag nagka baby tayo, masusoportahan natin sya."
"Nandyan naman sila Daddy eh."
"Sabi na nga ba't 'yan ang isasagot mo eh. Ayokong dumipende sa magulang natin. Gusto ko sariling sikap. Yung mararanasan natin kung gaano kahirap ang buhay."
Natahimik sya kaya humarap ako sa kanya.
"Ano? Ba't natahimik ka?" Sabi ko habang nakatitig sa mata nya.
"Magkakahiwalay ba tayo?"
"Ha? Hindi no. Magsasama pa rin tayo. Siguro magiging busy tayo pareho."
Niyakap nya ako.
"Matured ka na mag-isip."
Napa-isip ako.
Hindi ko nga napansin na habang tumatagal ay nagkakaroon ako ng direksyon sa buhay. Kung dati puro racing, taekwondo lang ang nasa isip ko. Ngayon naman nag-iisip na ako para sa future ng magiging pamilya ko.
------------
Maria's Note:
Lah! Patulong naman sa cover, kung hindi man dito, sana sa book two. Puleaseee~~~
Morethanks sa mga WALANG SAWANG nagbabasa at nagvovote. Mahal ko kayo. Ayiee~~
Love yah!
BINABASA MO ANG
My Brutal Wife
HumorKilala si Stanley Martin sa pagiging babaero sa school, yung tipo na walang sineseryoso na babae at parang laruan lang para sa kanya. Well, hindi nyo sya masisisi dahil sa angkin nitong kagwapuhan na kahit sino ay talagang mapapalingon. Hanggang sa...