Chapter 47: Kahit na babae ako.

7.5K 148 3
                                    

Ito pa ulit :))

----------

Alex's POV

January 7, 2014.

Nandito pa rin kami kila tito. Dito kami nag dinner.

Naiinis ako sa kaharap ko sa lamesa.

Stan ako

Tito Misa

Sam Ken

Kaharap ko lang naman ang walang kwentang boyfriend ni Sam.

"Honey paki-abot naman nung salad." Utos nya kay Sam.

"Ok." Masiglang sabi ni Sam.

Walang kaalam-alam sina tito at Stan na kinakawawa si Sam.

"Babe, ok ka lang?" Tanong sa akin ni Stan.

"Mukhang may iniisip syang malalim." Sabat ni Misa.

"Oo, gusto mo isama kita? Para malunod ka?" Nakangiti kong sabi.

Napatigil naman silang lahat at napatingin sa akin.

"Joke! Haha." Pag-iingay ko, ang tahimik eh.

Natawa naman si Tito.

"Kukuha lang ako ng wine." Sabi ni tito.

"Tito, yung masarap ah?" Pahabol ko pa.

"Sige."

"Ay babe, naiwan ko sa kwarto yung phone ko. Kukunin ko lang ah? Baka tumawag sina James eh." Pag-papalaam ni Stan.

"Ok."

Naiwan kaming apat sa lamesa.

"Sam naman! Diba sabi ko sayo ayaw ko ng chicken?!" Inaataki na naman ng pagkabaliw ang tuod dito.

"P-Pasensya na Ken."

"Lintek naman! Tanggalin mo yan!" Sigaw nya.

Agad na tinanggal ni Sam yung manok. Si Misa naman walang pakialam.

Tumingin sa akin si Sam, ngumiti sya. Alam kong pilit lang yun.

Aksidenteng nalaglag yung manok sa damit nya.

"Sh*t! Ano ba Sam? Wala ka ng ginawang tama!!"

"S-Sorry." Pupunasan na sana ni Sam ang damit ni ken, kaso tinapik nya yun ng malakas.

"Ang t*nga-t*nga mo!" Sigaw ni ken.

Umiiyak na si Sam.

Oops~ hindi na ako mapag pigil.

"Hey ken! Watch your word." Pagbabanta ko.

Napatingin sya sakin.

"Mind your own business, b*tch." Matigas nyang sabi.

Natawa ako.

"Yeah. I'm a b*tch."

"I know. Bagay kayong magsama nitong si Sam." Sabi nya na parang nandidiri kay Sam.

"Loko ka ah! Ayusin mo yang pananalita mo kung ayaw mo--"

"Ano?! Masampal?! Babae ka lang Alex! Wala kang magagawa." Sigaw nya sa akin.

Hinahamon ako nito ah.

"Wala pala ah." I smirk.

Tumuntong ako sa upuan at pumatong sa lamesa, wala na akong pakialam kung may madaganan man ako.

Agad ko syang sinapak sa mukha!

(BAGG)

Tunog yun ng pagbagsak nya sa sahig. Bulagta habang hawak yung ilong nya na may dugo.

Kinuha ko yung baso. Tumayo ako sa lamesa at binuhos sa kanya yung tubig.

"Gosh!"

"Oh my--"

Sunod-sunod na pagsinghap ang narinig ko.

"ALEXANDRA!" Agad na lumapit sa akin si Stan at inalalayan akong bumaba.

"What's happening here?" Nag-aalalang tanong ni tito.

Nakatayo na si Ken.

Kumawala ako sa pagkakahawak sa akin ni Stan at nilapitan si ken.

"Ano? Babae lang ako? Wala akong magagawa? Eh ano ka ngayon? 'Wag mo akong mamaliitin o kahit na sinong babae! Hindi lang yan ang kaya kong gawin sayo kahit na babae ako! At wag na wag mo akong matawag na Alex, dahil hindi tayo close!" Matapang kong sabi sa kanya.

Nilapitan ko kaagad si Sam.

"Break na kayo!" Sigaw ko kay Ken at agad itong umalis na humahangos pa.

Kwinento ko na rin kila Stan at tito ang nangyari. Galit na galit din sila. Hindi ko masisisi si Sam kasi masyado syang nabulag sa pag-ibig.

"Ok ka lang babe?" Tanong sa akin ni Stan habang nasa kwarto kami.

Napatingin ako sa kamao ko, namumula.

"Mukhang napuruhan mo talaga yung gag* na yun ah." Natatawang sabi ni Stan.

"Kulang pa nga yun eh." Natawa pa lalo si Stan sa sinabi ko.

-----------------------------------------------

Maria's Note:

Malapit ng matapos. Haah~~

Ito lang po ang sigurado ako, may Book 2! Wooohh~~!! Haha.

'wag tayong magsasawa na suportahan si Alex at Stan!

Vote. comment. Share.

Love yah!

My Brutal WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon