Prologo

567 7 1
                                    

A/N:

Maybe you could help me on Noelle's boyfriend's name? I tried searching, but I can't find it. My notes was lost. :( In the meantime, let's try and give him a new name first. To those who can give the name to me, thank you very much.

__________

"Hay naku, late na naman ang mahal na reyna!" Reklamo ni Gabby habang nakatambay kami sa paborito naming tambayan sa university.

"Hindi ka pa rin ba nasasanay sa kanya? Sa five times nating magmeet sa isang linggo, six times siyang late." Nakangising sabi ko habang kumukuha ng fries sa mesa.

"Oo nga. Tatandang dalaga ka niyan!" Tudyo ni Shane kay Gabby.

"Pinuna ko lang na late na naman si Ianne, tatandang dalaga agad?! Ang imagination mo, ha!" Pinandilatan pa ni Gabby si Shane pagkasabi niyon.

"O kita mo, problemado ka masyado sa buhay mo. Friend, wag ganun!" Paggatong pa ni Alecks.

"Isa ka pa! Ewan ko sa inyo!" Masungit na sambit ni Gabby.

Inabutan ko siya ng isang fry, "Kain na lang, friend." Sabi ko sa kanya.

Inabot naman niya iyon at isinubo.

"Gala naman tayo bukas. Nakakainip, eh. May magandang movie yatang showing ngayon." Nakasimangot na sabi ni Toni sa amin.

"Bakit di mo yayain si Fafa Lee mo?" Nakataas ang kilay na sabi ni Gabby.

"O, o. Tingnan mo, nagsusungit ka na naman." Natatawang sabi ni Shane.

Dumampot si Gabby ng isang fry at binato kay Shane. "Magtigil ka na, ha. Ako na lang lagi ang nakikita mo." Umismid pa si Gabby pagkasabi niyon.

"Kasi naman palagi ka na lang nakasimangot, paano ka kaya magkakalovelife niyan?" Nakangising sabi pa ni Shane.

"Shane." Saway ko. Baka mapikon nang tuluyan si Gabby at magwalkout, mahirap na.

She rolled her eyes on me, "What? Concern lang naman ako. Willing naman kasi tayong marinig kung may pinagdadaanan siya. Why choose to be so masungit, we're her friends!" Angil ni Shane.

"Hep, tama na. Itigil na yan. Baka magkapikunan pa kayo. Nagyaya lang ako manood ng sine bukas, kung saan na nakarating ung yaya ko." Toni said.

"Oo nga." Segunda ni Alecks.

"Tell Shane to stop eyeing me always." Reklamo ni Gabby.

"Tell Gabby to stop being masungit." Sabi naman ni Shane.

"Hay, naku! Para kayong bata, stop na!" Sabi ko.

"Oo nga. Heto na ang prinsesa, ang VIP ng sambayanan." Agaw ni Toni sa atensyon naming lahat.

Hindi na ako nag-abala pang lumingon. Dumakot na lang ako muli ng fries pero akmang isusubo ko palang iyon nang manigas ako sa kinauupuan dahil sa sinabi ni Alecks.

"Is she with Jaden? Si Jaden yan, di ba?" Alecks said.

Jaden. Ianne's best friend and my ultimate crush way, way back. Hanggang ngayon ay crush ko pa rin siya sa hindi malamang kadahilanan. Well, sige na nga. Gwapo siya, matangkad, mabait pero patpatin. Siguro dahil sobrang tangkad, he stands 6'2" already, to think na he's only 18 years old., kaya siguro nagmumukhang payat masyado.

"Mukha." Shane said at kumaway pa sa bagong dating.

"Kayo bang dalawa, eh, hindi talaga magjowa?" Tanong ni Toni sa bagong dating.

"Asa si Ianne." I heard Jaden say.

"D'yos ko, no! Hindi pa rin ba kayo nakakamove on sa issue na yan? Move on na! Hindi kami talo niyan, no. Yuck!" Defensive na sabi ni Ianne na may pandidiri pa kuno sa facial expression.

Quit Playing GamesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon