Ikawalong Kabanata

67 5 0
                                    


Abala ako sa paglilinis ng bahay namin nang may kumatok. Nakasimangot kong ibinaba ang basahan na hawak at nagpagpag ng kamay sa damit kong punong-puno ng alikabok habang dahan-dahang naglalakad patungo sa pinto.

Sumilip muna ako sa peephole at bahagya akong nagulat nang makita kung sino ang nasa kabila niyon. Huminga muna ako ng malalim bago dahan-dahang binuksan ang pinto.

"Jaden." Sabi ko nang tuluyang mabuksan ang pinto.

"Hey, bumili ako ng merienda." Sabi niya habang iwinawagayway ang supot na hawak.

Umusog ako ng kaunti para makapasok siya sa loob. "Pasok ka." I said.

"Thanks!" Sabi niyang dire-diretso sa dining area para ihanda ang dala. Pumunta pa siya sa kusina para kumuha ng mga pinggan.

"At home na at home, ah." Puna ko.

Nagkamot siya ng ulo, "Sorry." At dahan-dahan niyang nilapag ang mga pinggang hawak sa table.

"Joke lang, sige na. Ituloy mo na yan, gutom na rin naman ako. Pero diyan ka muna, ha. Mag-aayos lang ako, baho ko na, eh." Sabi kong inamoy pa ang kili-kili na ikinatawa niya.

"Take your time." He said.

"Sure." I said and left him there to finish whatever he wants to do while I went inside the bathroom to clean myself. Basa at hubad na ako nang maalala kong, wala akong dalang damit at maski tuwalya ay wala. "Shit!" Sabi ko. Inisip ko kung susuutin ko na lang ulit ang hinubad ko kaso pag ginawa ko naman yun ay tutulo ang basa kong buhok sa sahig na ilang oras kong nilampaso. Kapag naman pinangtuyo koi yon ng buhok ay wala akong susuutin. I guess I have no choice? Inawang ko ng kaunti ang pinto ng banyo at isinilip ang ulo, "Jaden?" Tawag ko sa nag-iisang tao sa bahay bukod sa akin.

"Yeah?" I heard him say.

"A-Ah, k-kasi ano." Hindi ko alam paano icocompose ang sasabihin.

"Ano yun?"

Lumapit siya sa banyo dahilan para hilahin ko ang pinto at maipit ang daliri ko, "Ouch! Shit!" Hiyaw ko. Hindi magkamayaw kung anong gagawin at uunahin, ang hiyang bumabalot sa buong pagkatao ko o ang sakit na nararamdaman ko sa daliri ko. Naitulak ni Jaden ang pinto ng banyo dahil siguro sa pag-alala.

He cursed. "Shit, sorry!" Dagli rin naman siyang tumalikod nang mapagtanto kung ano ang nangyari.

Natulala pa ako ng ilang Segundo kaya't si Jaden pa mismo ang nagsara sa bukas na pinto at nang ako ay matauhan ay para akong binuhusan ng malamig na tubig sa hiya. "Shocks!" Mahinang bulong ko habang nakasandal sa likod ng nakasaradong pinto.

"Noemi? Are you okay?" He asked.

I nodded but when I realized that he can't see me, I told him, "Yes. But pwede mo ba akong ikuha ng towel and robe? Sa room ko, you know where?" I waited for him to answer.

"Yung nasa kanan, tama?" Sabi niya.

"Yes. Sa cabinet sa kaliwa, sa taas. Nandun ung towels and robes ko. Pakikuha na lang ung nasa tuktok." I said.

"Copy. Sandali lang." He said then I heard the steps away from the bathroom. Few minutes later, I can hear him coming and knocking, "Noems, ito na." He said.

Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at inabot ang mga hawak niya. I blushed when I saw my clothes with the towel and yes, my undies are there as well.

"Kinuha na kita ng damit. I thought, you might feel uncomfortable wearing just robe after what happened. Pero I swear, I didn't see anything!" Paliwanag niya pa.

Quit Playing GamesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon