Ikasampung Kabanata

127 5 2
                                    


Litong-lito ako. Hindi ko alam ang dapat gawin. Alam kong mali, alam kong hindi dapat. Alam kong may masasaktan. Damn.

Napahinga ako ng napakalalim.

"Lalim nun, ah. May problem aba, hon?" Tanong ni Francis sa akin. Kasalukuyan kaming kumakain sa isang mamahaling restaurant. Katatapos lang ng isang malaking event namin at nagkataong malapit ang opisina niya sa venue ng event na iyon kung kaya napagdesisyunan naming kumain sa labas.

Nginitian ko siya, "Wala, pagod lang ako."

Tumayo siya mula sa kinauupuan, lumapit sa akin at niyakap ako ng mahigpit. "Ayan, hug! Siguro naman mawawala na ang pagod mo?" Paglalambing niya.

Francis is sweet, he is a true gentleman. Naiiling na ngumiti ako.

Bumalik siya sa kinauupuan at tiningnan ako, "Ay, hindi nawala ang pagod? Di bale, hatid na kita agad pagkatapos kumain. Nasa bahay ba si Ate Nins?" He asked.

"Wala yata? Nasa bahay yata ng jowa niya?" I answered.

"Napapadalas, ah. Mukhang maiiwan ka na mag-isa?" Biro niya.

"Sira." Pagak na tawa ang naibigay ko sa kanya.

"Mukhang pagod ka na nga talaga. Tapos ka na bang kumain?" Tanong niyang tiningnan ang pagkain ko na kalahati lang ang nabawas. "Bill out na tayo?" Tanong pa niya.

"Yes, please. I really want to rest." I said.

"Syempre naman, mahal na prinsesa." Sabi niya bago tawaging ang waiter para kuhanin ang aming bill. Pagkarating ng waiter ay walang tingin-tinging binigay niya ang credit card at ngumiti. Hindi ako umimik maging hanggang sa pagbalik ng waiter at paghatid niya sa akin sa bahay. Hindi rin naman siya nag-usisa pa.

"Thanks, Fran." I said as I got out of his car.

Ngumiti siya, hinawi ang ilang hibla ng buhok kong bumagsak sa aking mukha, "Anything for you." Inabot niya ang dalawang kamay ko at ngumiti, "Magpahinga ka, ha? I'll text you when I get home." Sabi niya.

I just smiled.

He kissed my cheeks before getting back inside his car. Hinintay ko muna siyang makaalis bago ako pumunta sa elevator pero bago pa man bumukas ang pinto niyon ay dagli akong bumalik sa lobby. Eksakto namang may dumating na taxi, sumakay ako roon at nagpahatid sa sementeryo kung saan naroon ang aking mga magulang.

"Keep the change na ho, manong." Sabi ko sa mabait na driver.

Sa harap ng puntod ng mga magulang ko ay sumalampak ako. "Hi, mommy. Hi, daddy! Kumusta na kayo? Sorry, ha. Wala akong dalang bulaklak. Biglaan lang kasi ang pagpunta ko rito. Namimiss ko na po kayo." I said to them. Gusto ko pa sanang magsalita. Gusto kong ikwento kung anong nararamdaman ko ngayon. Pero hindi na lang. Kikimkimin ko na lang siguro ito. "Sana nandito kayo, 'my, dad." I sighed.

"Kahit naman wala sila, andito naman ako." Sabi ng pamilyar na boses sa likod ko.

"Jaden!! Anong ginagawa mo rito?" I asked.

Tinabihan niya ako, "Papunta akong parking kanina, nakita kitang nagmamadali. Sinundan kita." Kibit-balikat na sabi niya.

Umiling ako.

"Noems." He said.

"Jaden, please, ihinto mo na ang ginagawa mo." Sabi ko.

"I can't." He said in a very low voice.

"Hindi kasi tama. May boyfriend ako." I said.

"Hindi yun valid excuse!" Mariing pahayag niya.

"Hindi pa ba valid yun?! May boyfriend ako, Jaden, eh. Hindi pwede. Sa tingin ko, sapat na excuse na yun para tumigil ka. Respetuhin mo naman si Francis. Mahal ako nung tao." Sabi ko.

"Mahal ka." He tsked. "Mahal mo ba?" Tanong niya.

"Hindi yun ang point!" Hindi ko maiwasan ang pagtataas ng boses.

"Noemi, kapag nasa relasyon ka, hindi uubra ang mahal ka lang, dapat mahal mo rin." He said.

"Hindi mo naiintindihan." Sabi ko.

"Alin ang hindi ko naiintindihan? Ang simple kasi ng solusyon, Noemi, eh. Makipaghiwalay ka kay Francis. Ganun lang yun, o." Parang nagpapaliwanag sa bata na sabi niya.

"Hindi ko siya kayang saktan." I sighed.

"Kaya hahayaan mong ikaw at ako na lang ang masaktan? Ganun ba yun?" He said.

Hindi na lang ako umimik pa.

He held my hand, "Sabi ko nga sa'yo, I'm willing na maging kabit mo hanggang sa maging handa ka nang makipaghiwalay sa kanya."

Hindi ko binawi ang kamay ko, hinayaan ko lang siyang hawakan ako. Siguro nga, pwede. Siguro nga posible. Hahayaan ko munang maging masaya sa piling niya kahit alam kong mali.

I saw him smile, "Hayaan n'yo, tito, tita, iingatan ko hoi tong dalaga n'yo." Sabi niya sa harap ng puntod ng mga magulang ko. He hugged me even.

I sighed. "J, natatakot ako." I told him as I hugged him back.

"Wala kang dapat na ikatakot, nandito ako." He said.

Sasagot sana ako ng makatanggap ako ng text. Si Francis iyon at sinasabing nakauwi na siya sa kanila at sana ay nakapagpahinga na ako. Guilt went all over me dahil kahit hindi ko tinanggap verbally ang offer ni Jaden, alam ko sa puso ko na, yun din ang gusto ko.

"Mahal kita, Noems." Jaden said.

I looked up to him. I was about to say something when he placed his forefinger on my lips.

"Don't say anything, I'm happy with this. Kahit ganito lang, masaya ako. Bawiin nalang natin sa technicality dahil technically, di mo naman niloloko ang boyfriend mo dahil hindi ka naman sumasagot sa mga I love you ko kahit na technically rin, boyfriend mo rin ako." He said smiling.

"Sira!" Natatawang sabi ko.

Hindi siya sumagot, niyakap lang niya ako ng mahigpit. "Thanks, 'my." He said.

"Aba, nahirapan ka na ba sa Noems at naging Mi na lang ang tawag mo sa akin." Nakayuko at nakangiting puna ko sa sinabi niya.

He lifted my chin at let me face him, "Hindi ako nahihirapan. Gusto ko lang gawing 'my ang tawag ko sa'yo, hindi dahil nahihirapan ako sa Noems dahil napakadali lang naman nun, kundi dahil sa pagdating ng panahon, hindi na lang ako ang tatawag ng 'my sa'yo." Seryosong sabi niya.

Maang akong napatingin sa kanya, hindi ko naintindihan. "Huh?"

"Silly, someday our kids will call you 'my too, mommy." He said.

I felt a tingling sensation all over me. Ito siguro ang tinatawag na kilig.

"I love you, mommy." He said.

Quit Playing GamesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon