Ikaanim na Kabanata

97 5 0
                                    

Ilang buwan na kami ni Francis. At sa loob ng ilang buwan na iyon ay hindi ko masabing masaya ako pero kahit ganun ay ayaw ko naman siyang masaktan, masyado siyang mabait at maunawain para lang saktan.

"Hon." Agaw niya sa pagmumuni-muni ko.

Napatingin ako sa kanya, "Ow?" Tanong ko. Kasalukuyan kaming nasa amin at nanonood ng Harry Potter. Hindi siya mahilig doon pero napilitan siyang panoorin dahil nga sa paborito ko iyon.

"Gutom ka na ba? Padeliver tayo?" He asked.

Tiningnan ko siya at inilingan, "Later na lang, bili tayo sa labas. Gusto ko rin namang maarawan kahit papano." Sabi ko sa kanya.

"Maarawan? Five pm na po, palubog na ang araw." Natatawang sabi niya.

Maang akong napatingin sa kanya, pagkatapos ay sa relo ko, "Alas singko na?!" Gulat na sabi ko.

Ginulo niya ang buhok ko, "Hon, Prisoner of Azkaban na yang pinapanood natin. Pangatlong movie na o, syempre ilang oras na ang lumipas." Natatawa pa ring sabi niya.

"Shit, bakit di pa ako gutom? Maglalaba pa ako! Maglilinis pa ng kwarto. Patay ako kay Ate Nina nito!" Napatayo ako at takbo sa kwarto naming dalawa para kuhanin ang mga labahin. Sumunod naman si Francis sa akin.

"Kailangan mo ba ng tulong?" Alok niya.

Umiling lang ako, "Hindi na, kaya ko na to. Upo ka na lang diyan at tapusin si Harry." I said to him.

"Hindi ko naman yun maeenjoy kasi wala ka." Nakasimangot na sabi niya.

"Eh, kailangan ko 'tong gawin, mamaya ang dating ni ate! Minsan lang mag-utos yun kaya ayoko namang magalit yun sa akin." Nagmamadali ako sa pagsasalita.

"O sige, ayaw mo magpatulong, ayaw ko namang tumambay mag-isa rito kaya uuwi na lang muna ako. Itext mo ako pag okay ka na, ha? Baka sakaling magkasabay pa tayo magdinner." Nakangiting sabi niya habang tinutulungan ako magsort ng labada ko.

"Francis!" Hiyaw ko nang makita ang pinupulot niya mula sa laundry basket.

"O?" Inosenteng tanong niya. Hawak pa niya ang bra ko.

"Wag yan!" Sabi ko sabay agaw sa hawak niya.

Hindi naman niya naintindihan agad ang paghuhuramentado ko pero nang marealize kung ano ang nahawakan kanina ay natawa siya ng malakas.

"Why are you laughing?" Nakataas ang kilay na tanong ko.

"Bakit? Masama bang tinutulungan kita sa pagsosort mo?" He asked playfully.

Pinangunutan ko siya ng noo.

"It's not as if hindi darating sa point na ako na ang maglalaba ng underwear mo." He kidded and I was caught off guard.

I was stunned. Hindi ako nakapagreact sa sinabi niya dahil honestly, wala pa iyon sa isip ko.

Mukhang naramdaman ni Francis ang tension kaya tumayo na siya at nagpaalam, "Alis na ako, ha. Sure kang di mo kailangan ng tulong ko?" He asked.

Tumango ako, "Kaya ko na." Tumayo na rin ako para ihatid siya sa pinto. Alam kong magtatrabaho siya kaya gusto na rin niyang umuwi. Hindi ko lang naman siya pinauwi kanina dahil gusto kong pakiramdaman ang sarili ko. Gusto kong magwork ang relasyon namin.

Hinalikan niya ako sa noo ng makarating kami sa pinto ng unit namin, "Text me, okay?" He said.

Tumango ako. Hindi ko na siya hinintay na makaalis, isinara ko na ang pinto at napaupo sa likod nito pagkatapos. Nagpaparamdam na siya na parang gusto niya kaming magpakasal. Hindi ito ang unang beses at sigurado akong hindi ito ang magiging huli. Kailangan ko nang malaman sa sarili ko kung ano nga ba ang nararamdaman ko at ano ang kailangan kong gawin dito.

Mga ilang minute akong nakatunganga sa likod ng pinto, hindi pa sana ako tatayo kung di ko pa narinig ang tunog ng cellphone ko at makita ang pangalan ng ate ko sa screen nito.

"Shit!" Bulong ko at nagmamadaling binitbit ang laundry basket, ang susi ng bahay at ang pouch bag kong na naglalaman ng pera at cellphone ko.

Pagdating ko sa laundry shop sa baba ng condominium building naming ay naghanap na ako ng bakanteng washing machine para isalang ang labahin ko. Habang pinipindot ko ang setting ay may nagsalita sa likod ko.

"Hi, Noemi."

Nilingon ko siya at napangiti, "Jaden. Naglalaba ka rin?" I asked.

Matamis siyang ngumiti, "Yup. Nakita kitang papasok, hindi mo ako napansin." He said.

Tumango-tango naman ako, "Ganun ba? Sorry, ha? Nagmamadali kasi ako, nakalimutan ko kasi kaninang gawin 'to. Nasa bahay kasi si Francis." Paliwanag ko. Nakita ko pa ang pagpapalit ng anyo ng mukha niya mula sa pagiging masaya hanggang sa pagiging malungkot at sa walang emosyon.

"Saan ba kayo kagabi? Hindi ako nakahabol, may trabaho kasi ako, eh." Seryosong sabi niya at iminuwestra ang mga couch chair doon na nakatakda para sa mga naghihintay matapos ang mga labada.

"Kina Alecks. Hindi ako run natulog, nagyaya akong umuwi kagabi kasi nga may gagawin ako dapat sa bahay kaso naman, nakalimutan ko rin namang gawin." Sabi ko sa kanya.

"Ah, sa bahay n'yo natulog yung boyfriend mo?" He asked, his face looks ice-cold.

Tumango ako, "Hindi ko na pinauwi. Madaling araw na kasi." Nakangiting sabi ko.

"Noemi, I want to ask something." Seryoso ang tono niya.

Napatingin ako sa mga mata niya, "Uhuh?"

"Mahal mo ba?" He asked.

"Huh?" Nabiglang sagot ko.

"Mahal mo ba?" Ulit niya.

Napakunot ang noo ko, "Sino?" Wala sa sariling sabi ko.

"Sabi ko na nga ba." Mahinang sabi niya na umabot sa pandinig ko. "Yung boyfriend mo." He said. His smile is back again.

Natampal ko ang noo ko nang mapagtanto ang tanong niya, "Ah. Ano kasi...." Hindi ko natuloy ang sasabihin ko dahil pinutol niya ako.

"Hindi mo mahal?" He asked, still smiling.

"Bakit mo ako tinatanong niyan?" I asked him.

"Eh, bakit ba hindi mo sagutin? Simple lang naman ng tanong ko, oo o hindi lang naman ang sagot." Kibit balikat na sabi niya.

Natameme ako roon. Akmang sasagot ako sa tanong niya nang tumunog ang washing machine na ginagamit niya.

"Sige, Noems. Tapos na yung akin, mauna na ako." He dismissed me and went to his washer to pick up his clean clothes.

Napatingin lang ako sa kanya habang ginagawa yun at nang matapos siya ay nakita ko siyang palapit sa akin. Inilapit niya ang bibig niya sa tenga ako at sinabing...

"I know that I may sound like a villain here but in my own version of this story, I am the protagonist and I will do everything in my power to get my lady." He said before leaving me stunned with his declaration.

Nanigas ako sa kinauupuan ko at kinilabutan sa mga sinabi niya. Hanggang sa makaalis siya ay nanatili akong tulala at inaabsorb ang mga katagang binitawan niya. Am I dreaming?

RP�oKK}

Quit Playing GamesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon