Ikatlong Kabanata

130 2 0
                                    


Abala ako sa isang project ng maliit naming kumpanya at sa sobrang kaabalahan ko ay hindi ko napansin ang oras. Kung hindi pa ako tinapik ni Gabby ay hindi ko mamamalayan na alas-sais na pala.

"Noelle, Noelle. Ano na?" Sabi ni Gabby.

Gulat na napatingin ako sa kanya, "Shit, 6 na pala! Hindi ko napansin." Sabi ko naman.

"Kanina pa kita tinatawag. Nagyayaya magvideoke si Alexa." Sabi niya ulit.

"Videoke? Di ba manonood tayo ng Conjuring?" Takang tanong ko.

Umiling naman siya, "Videoke na lang daw. Magulo raw sa unit niya, eh. Syempre, agree si Madame Jianne na takot sa scary movies kaya nagdecide ang lahat na magvideoke na lang para maiba na rin." Paliwanag niya.

"Ang lahat pero hindi ko alam? Tino niyo rin, eh." Nakabusangot na sabi ko. Excited pa man din ako magmarathon ng Conjuring ngayon.

"Aba, kasalanan ko? Kanina ka pa namin tinatawag kaso ang busy mo diyan." Nguso niya sa laptop screen ko.

Taas ang dalawang kamay, "Okay, okay. Siya, videoke na! Tayo-tayo lang ba?" Tanong ko.

"Sasama raw si Stanley saka si Jaden. Si Francis ba?" Sagot niya sa akin.

Kinabahan ako pagkarinig sa pangalang iyon pero I pretended to be not affected, "Well, nagtext si Fran kanina na try niya raw humabol kina Alecks, medyo busy raw sa office ngayon. Itext ko na lang siguro kung saan tayo para if ever na gusto niyang sumunod." I said.

"Sige, sige. Kay Jaden ka na lang sumabay. Isa lang sasakyan nung kambal. Kay Shane na ako, ikaw na kay Jaden. Kawawa naman kung walang kasabay. Sinundo na kasi ni Stanley si Jianne." She said before leaving me jawdropped.

"Bakit ako?" Bulong ko. Talaga bang ganito? Iniiwasan mo na yung tao pero pilit naman kayong pinaglalapit ng tadhana. Fuck it.

Isang buwan na ang lumipas mula noong insidente sa sinehan at mula noon ay naramdaman kong umiwas na si Jaden sa akin, ganun din ako sa kanya. Kaya ito ang unang pagkakataon na magkikita kami. And good Lord, magkakasama pa kami sa iisang sasakyan nang kami lang. What could possibly happen?

Pinilit kong iwaksi sa isipan ang upcoming first awkward meeting naming ni Jaden. Nagconcentrate ako sa pagliligpit ng gamit ko.

"Noelle, una na kami ni Gabby, ha. May dadaanan kasi kami sa Makati." Paalam ni Shane.

Gusto ko silang pigilan, gusto kong sabihin sasabay na ako sa kanila pero nagtext si Ianne.

Ianne:

Friend, otw na si Jaden diyan. Pakihintay nalang. Sorry, ha? Ang aga kasi ni Stanley nagsundo, tapos nakalimutan ko rin itext agad si Jay.

Napahinga ako ng malalim. I guess, I really have no choice. Afterall, this thing is inevitable, best friend ko ang best friend niya. Kahit ano pang iwas ang gawin ko, magkikita at magkikita kami and that's for sure.

Labinlimang minute ang lumipas at may nagtext na unknown number sa akin.

+65 906 *** ****:

Noemi, nasa lobby na ako. –Jay

Huminga ako ng malalim at kinuha ang bag ko. This is it.

Pagkarating ko sa lobby ay nakita ko ang kotse niyang naka-hazard signal. Lumapit ako roon. Bago pa ako tuluyang makalapit ay lumabas siya mula sa driver's seat at umikot para pagbuksan ako ng pinto. Mapait akong napangiti.

Quit Playing GamesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon