Ikaapat na Kabanata

128 4 0
                                    

Katulad ng madalas mangyari kapag Linggo, alas onse na ng umaga ngunit eto pa rin ako, nakahiga sa kama at nagmumuni-muni habang nagpaplay sa maliit kong TV sa kwarto ang unang movie ng Harry Potter.

"Accio breakfast." Sabi ko habang nanonood. Natawa pa ako sa ginawa ko. "Bakit ba paulit-ulit na lang ang mga ginagawa ko sa buhay? Gigising, maghihilamos, kakain, maliligo, papasok, magtatrabaho, uuwi, kakain, matutulog. Nakakasawa na." Pagkausap ko kay Harry sa TV.

"I need change. I need something new in my life." I sighed.

Kinuha ko ang cellphone ko sa bedside table at pinaraanan ang mga notifications na naroon. Pumintig ang puso ko nang mabasa ang pangalan ni Jaden.

Jaden:
Morning, Noemi.
J

Simpleng yan lang ang mensahe niya pero bakit ganun? Iba ang epekto sa akin? Isang morning lang pero heto ako at inisnob na lahat ng mensahe ng boyfriend kong may I love you pa ang message.

Nagreply ako sa kanya.

Me:
Morning.

Ibababa ko na sana ang cellphone sa kama para makakain na ako ng brunch nang tumunog iyon.

Jaden:
Kagigising mo lang?

Me:
Yes.

Jaden:
Eat your brunch, Noemi. Have a great day.
J

Me:
I will, thanks. And you too.

Siguro sa tingin ko ay hindi na siya magrereply kaya't ibinaba ko na ng tuluyan ang cellphone sa kama. Nasa pinto na ako ng kwarto nang tumunog itong muli kaya't dali-dali ko iyong binalikan para lang madisappoint. Ang sama ko ba? Nadisappoint ako sa text ng boyfriend ko.

Francis:
Hey, baby girl. Siguro naman by now, you are awake na. Bangon na at kumain. I miss you and I love you.

Me:
Gising na at kakain na ako.

Tanging sagot ko lang sa kanya. Ewan ko kung napapansin niya ba o talagang napakabait lang ni Francis kaya hindi na lang niya pinupuna na mula ng araw na sinagot ko siya ay hindi ako nagsabi ng I love you sa kanya.

Isa pa muling mensahe ang pumasok na nagpangiti sa akin.

Jaden:
May plans ka today?

Jaden:
May date kayo ni Francis?

Me:
Wala. Sa bahay lang ako or grocery probably? Hindi ko alam kung kumpleto pa ang stock naming ng grocery.

Nagpunta ako sa kusina at nakita ko ang lutong sinangag at adobo sa mesa. Thank you, parents, for giving me a great big sister. Spoiled na spoiled ako sa ate ko, ebidensya ang nakahandang pagkain sa mesa na may note pa.

Noems, may seminar ako sa Cebu. See you next week! Ingat lagi, baby sis.
PS: Please do the grocery, nasa ref na yung list of things to buy.

Napangiti ako sa nabasa at dali-daling tumipa sa cellphone.

Me:
Yes, I'm going to the grocery nga. Ate Nins left.

Sent to Jaden. Yes, to Jaden.

Jaden:
Can I come?

I should be saying no, he can't but I ended up replying....

Me:
Sure.

Jaden:
What time do you need me? I can come over now, I'm just in the area.

Napatingin ako sa orasan. Mag-aalas dose na.

Me:
Wala akong ipapakain sa'yo.

Jaden:
Okay lang, I already had lunch.

Quit Playing GamesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon