Unang Kabanata

167 5 0
                                    

"Noemi, noemi! Pakiabot naman yung susi ko, please. Nakapatong sa sofa. Sorry, malalate na kasi ako, eh." Dinig kong sabi ng ate ko mula sa kabilang side ng pinto ng condo unit namin. Mula nang mamatay ang nanay namin ay nagpasya kaming dalawa na lumipat na lang sa isang condo at paupahan na lang ang bahay na iniwan niya sa amin.

Tamad na tumayo ako mula sa kinauupuang bean bag at kinuha ang susi niya na nasa kabilang dulo ng sofa. Tinakbo ko ang distansya mula roon hanggang pinto nang marinig kong magsisimula na ang pinapanood ko. "O, dali! Magsisimula na!" Sabi ko pa sa kanya. Hindi ko na hinintay na sumagot siya. Hinayaan ko na siya at nagmamadaling bumalik sa bean bag.

And then that familiar Harry Potter introduction played. I'm a proud Potterhead. At ngayon, ngayon lang after 5 years ko muling panonoorin itong part 2 ng Deathly Hollows dahil hindi pa rin matanggap ng puso ko na tapos na ang pinakamamahal kong book series.

Yakap ang isang unan ay dahan-dahang nag-unahang pumatak ang luha ko nang mamatay na si Dobby, the free elf. Nasa ganung sitwasyon ako nang biglang tumunog ang cellphone ko.

"Hindi ko nasilent! Fuck!" I hissed at myself. Minsan lang ako mag-emote ng ganito, eh.

I grabbed my phone and checked who the demon was when suddenly, my heart beat loudly, I can almost hear it.

Jaden:
Mi.

Yan lang ang mensahe niya pero ang puso ko, hindi ko na malaman kung papaano ito ikukulong. I even forgot that I am watching Harry Potter, for Pete's sake.

Hindi ko alam kung papaano magrereply. Buti na lang at hindi ko nabuksan agad ang mensahe kaya hindi niya makikitang nabasa ko na ito. Another message came in.

Jaden:
I heard what happened. I can't say I'm sorry for you when in fact, I'm so fucking happy that it happened.

Kulang na lang ay lumuwa ang mata ko sa nabasa. Pero maya-maya lang ay nagluha na ito. I'm lost for words. Hindi ko alam kung paano magrereact. Kung may itinagong nakaraan sa aming magkakaibigan si Shane at Aidan, mayroon din ako. Ang problema lang, hindi nakaraan ang akin kundi kasalukuyan.

Tumunog muli ang cellphone ko.

Jaden:
Miii, I know you're reading this. Reply ka naman, o. Please? I heard from Jianne na naka-leave ka. And I know you, you're at home watching some HP movie or reading some HP books.

Umagos na ang luha ko. Ano pa ba ang pinoproblema ko? Malaya na ako, eh. Wala nang kontrabida sa istorya namin pero bakit parang hindi ako masaya? Bakit parang may mali? O dahil natatakot lang ako? Dahil baka bumalik sa akin ang ginawa ko?

Isa pa muling mensahe ang pumasok.

Francis:
Noems, I don't know kung saan ako nagkulang pero I am giving you time to think. Sana pag-isipan mong mabuti. I'll be here, waiting. Kapag handa ka na. Mahal kita.

Oh, God! Why does this have to be this hard?

Sunod-sunod pa ang mga mensaheng pumasok pero lahat nang yun ay binasa ko lang. Salamat sa iOS, sa notification lang ay basa ko na ang laman ng mensahe.

Gabby:
Noelle, si Toni na lang daw ang papalit sa'yo sa seminar, ha? Ingat ka.

Jaden:
Miii?

Toni:
Friend, na-inform ka na ni Gabby? Hindi raw pwede pag hindi nakaregister, eh. So wala na yung slot for you. Sad. Pero I signed up for walk ins naman,we paid double nga lang but I guess you can ask for a refund? Maybe, you can tell them you're sick or something. SMS me, k?

Francis:
Noems, God! Ang hirap. I told you, I'm okay. I told you I can wait but please tell me what's wrong. Honey, I don't know what went wrong.

Shane:
Friend, take your time to think ha. Ingat ka!

Jaden:
Miii! Reply ka naman, o.

Ate Nins:
Noemi, di ako makakauwi mamaya. Kina Nate muna raw ako. Andun ang family niya.

Jaden:
...

Francis:
I love you.

Alecks:
Friend, okay ka lang?

Ianne:
Friend, okay lang yan. Baka jitters something lang yan. You can always make kwento to us naman. We won't judge. Arte nila, eh. Kung anu-ano pang tinetext para magreply ka kaya ayan, rekta. Ayos lang yan! You can always think first before deciding, we got ya!

Apaw na apaw na ang notifications ko. Pero wala akong binuksan kahit na isa. Wala akong ibang maisip kundi wala. Wala talaga. I eveb tried shifting my focus to Harry Potter pero lumilipad talaga ang isip ko sa kawalan.

Napahinga ako ng malalim. Kasalanan ko naman ang lahat ng ito. Kumbaga sa teleserye, ako si Ruby, ang bidang kontrabida.

Jaden:
Miii, please tell me it's for us.

The last straw. I turned off my phone. I cannot, at this moment handle anything yet. I am not ready. All the ghost of the things I've been doing is haunting me and it's haunting me pretty bad.

God, what did I do?

Quit Playing GamesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon