Ikasiyam na Kabanata

116 4 1
                                    


And suddenly, all my assumptions became real. All my what-ifs now needs answer. It was me, no, it is me. It is really me. Mahal niya ako! Dapat akong matuwa, dapat akong magdiwang, dapat akong kiligin pero hindi ko maaaring gawin. Dahil sa bawat sayang nararamdaman ko sa mga oras na ito, kaakibat ang lungkot dahil mali. Maling oras. Hindi pwede. May boyfriend ako. Hindi ko man siya mahal katulad ng pagmamahal ng isang girlfriend sa boyfriend niya ay mahal ko pa rin si Francis bilang kaibigan at nirerespeto ko siya.

"Tutunganga ka na lang ba diyan? Walang sagot?" Nakangiti ang kanyang labi pero kitang-kita sa kanyang mga mata ang lungkot na dama.

Bumuka ang bibig ko para lang muling itikom.

"Hey."

Pumikit ako ng mariin. Hindi ko kayang pantayan ang lalim ng titig niya sa akin. "Anong ineexpect mong sabihin ko?" Tanong ko.

Naramdaman ko ang paglayo niya sa akin, "Honestly? Hindi ko alam. Hindi ko alam kung ano nga ba dapat ang iexpect ko. Mahal din kita, Jaden? Hindi pwede, Jaden?" Huminto siya sa pagsasalita at bumuntong-hininga. "Tangina kasi, Noemi, eh." Mura niya.

Napadilat ako sa narinig, "Minumura mo ba ako?" Mahinahong tanong ko.

"No, no, hindi. Hindi ikaw. Ako, ako yun. Ang torpe kasi." Pagak siyang tumawa, "Dapat kasi noon pa. Tangina kasi. Nauna naman ako kay Francis, eh. Noon pa, eh. Noon pa dapat." Paulit-ulit lang siya ng sinasabi na akala ko ay paulit-ulit na bumabalik sa utak ko na noon pa! Matagal na niya akong gusto!

Hindi ako umimik. Nanatili akong nakatayo.

"Mahal kita, Noemi. Noon pa. Nung nakita kitang umiiyak dahil ayaw kang papasukin ng guard sa school dahil kinulayan ng ate mo ang buhok mo." Natatawang umiiling na sabi niya.

Naalala ko ang panahong iyon. First year high school lang ako noon! Nagpakulay ng buhok si Ate Niña sa kasambahay naming dahil yun daw ang uso sa school nila, tinawag ako ni ate at pinakulayan din ang akin. Dalawang araw din akong hindi nakapasok sa school dahil doon, nakiusap lang ang ate ko sa principal at sinabing malungkot lang kami dahil kamamatay lang ng mga magulang namin and that's our way of coping up.

"Ilang taon na ba ang lumipas, Noemi? Lampas kalahati ng buhay ko, minamahal na kita." Mapait niyang sabi.

"Bakit?" Wala sa sariling tanong ko.

Napatingin siya sa akin, "Anong bakit?" Tanong niya.

Natauhan ako sa tanong niya, "Bakit? Bakit ngayon lang? At bakit ako?" Paliwanag ko.

Nagkibit-balikat siya, "Hindi ko alam pero freshman ka palang, alam kong gusto na kita. But then Ianne, halos kaedad mo lang siya at para ko na siyang kapatid kung ituring and I find it kind of absurd kung liligawan kita noon. Batang-bata ka pa. Nung nagcollege ka naman, palagi mong sinasabing ayaw mo munang magkaboyfriend kaya hindi ako nag-attempt. Pero bilib ako kay Francis, sa totoo lang. Tiyaga niya. Kaya siguro nahulog ka sa kanya." Malungkot na sabi niya.

"Hindi ako nahulog sa kanya." Sabi ko.

Napatitig siyang muli sa akin, "Anong ibig mong sabihin?"

"Wala." Pagdedeny ko.

Muli siyang lumapit sa akin, "Hindi mo mahal si Francis." Mas statement iyon kesa tanong.

"Huh? Wala akong sinabi." Deny ko pa.

"Tingnan mo ako at sabihin mong mahal mo ang boyfriend mo." Sabi niya.

Imbes na tingnan siya ay yumuko ako.

"Fuck!" Biglang sabi niya na muling nagpaangat ng tingin ko sa kanya.

"Don't swear!" Pilit kong pinagagaan ang sitwasyon.

"Mahal mo ako." Muli, mas statement iyon kesa tanong.

Tinaasan ko siya ng kilay, "Ang assuming natin, ha."

"Tingin sa akin at sabihing hindi." Pilit niya sa akin.

Biglang lumitaw ang mukha ni Francis sa utak ko, yumuko ako, "Hindi." Mahinang sabi ko.

Sinapo niya ang baba ko at pinatingin ako sa mukha niya, "Look at me."

I looked at him.

"You love me." He said.

I did not say anything.

He smiled, "You love me." Pag-ulit niya.

Still, hindi ako nagsalita.

"I can be your number two." He murmured.

Nanlaki ang mga mata ko. "Ano?!" Bulalas ko.

He smiled wickedly, "I know how good you are. Alam kong hindi mo kayang saktan si Francis kaya handa akong maging kabit mo hanggang sa handa ka nang iwan siya." He said.

"So kailan ko sinabing mahal kita?" I said.

"Bakit, hindi ba?" Nanghahamong tanong niya.

Napahinga na lang ako ng malalim. Useless din kung idedeny ko pa kung tulad niya, lampas kalahati ng rin ng buhay ko ang tagal ng pagmamahal ko sa kanya. Inuugat na nga siya sa puso ko.

"So, I'm your official kabit?" He grinned.

"Stop it, Jaden." Walang lakas na awat ko.

"Why?" Parang naguguluhang sabi niya.

"Best friend ko rin ang best friend mo. Kaibigan mo rin ang mga kaibigan ko. Alam mo ang ugali nila, sa tingin mo, itotolerate nila ang kagagahang ito?" Sabi ko sa kanya.

"Kagagahan? Who said this is just a kagagahan? Mahal kita, Noemi. At alam kong mahal mo rin ako. Hindi mo man sabihin, dama ko rito." Turo pa niya sa puso niya.

Napatingin ako sa kisame, "Bakit kasi ngayon lang, Jaden?!" Hiyaw ko.

"So galit ka na niyan? Sorry na, torpe ako, eh. Nung handa na akong manligaw sa'yo, bigla mong inannounce na may boyfriend ka na. Ouch." He said while his right hand is on his left chest as if he was hit by a bullet there.

Hindi ko maiwasang mapangiti sa sinabi niya.

"Hayaan mo, hindi nila malalaman. Hindi nga nalaman ni Ianne na ginagamit ko lang siya para mapalapit sa'yo sa loob ng mahabang panahon, eh. Ito pa ba?" He said.

I sighed, "Bakit ba nauuso sa barkada namin ang sikreto? Una si Alecks, tapos si Shane. Tapos ako?" I told him.

He smiled widely, "So, pumapayag ka na?"

"What?! No! Hindi." Pagtanggi ko.

Nakita ko ang sakit na dumaan sa mga mata niya.

"Please give me time to think, Jaden. Shocked pa ako sa revelation mo. Pag-iisipan ko muna." I told him.

He shrugged, "Fine with me. I waited forever already, ito pa ba? Ngayon pa ba?" He said.

"Thank you." I genuinely said.

"I love you." He said and I smiled.

Quit Playing GamesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon