Mahal ko

348 13 1
                                    

Dedicated to jonnieny_hk

#SpokenPoetry

Sa 'yo lang ako,
Nasaan ka na mahal ko?
Sa 'yo lang ako,
'Di kita makita sa tabi ko.
Sa 'yo lang ako,
'Di ko maramdaman presensiya mo.
Sa 'yo lang ako,
H'wag na tayong maglokohan
Ikaw pa ba talaga sa 'kin?
Puso mo ba'y ako pa rin ang laman?
Ako pa rin ba tumatakbo sa iyong isipan?
Marahil hindi na,
Marahil para sa 'yo tapos na,
Marahil na aawa ka lang .
Sige na.
Ako na ang aayaw.
Ako na ang hihiwalay.
Masakit man
Pero para sa 'yo handa akong lusungin kahit kapaitan,
Kapaitan na dala ng ating pagmamahalan,
Pagmamahalan na akala ko walang hanggan,
Hanggan, hanggang dito na lang ata tayo?
Hanggang dito na lang makakaya ng damdamin ko,
Huli na 'to,
Mahal na mahal kita,
Paalam mahal ko!

TugmaanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon