Mga Sana at Baka Sakali ni Jacob

151 8 0
                                    

Dedicated to jonaxx

Ilang beses mang subukan
Buwagin ang ating pagmamahalan
Sana andyan ako sa puso mo
Baka Sakaling mabitawan mo ako.

Ilang bagyo man ang dumaan
Tangayin ka man ng desisyon natin sa ibang daan
Sana h'wag mong kalimutang mahal kita
Baka Sakaling hindi mo alam na hinihintay kita.

Anurin man ng batis
Mawala man sa relasyon natin ang tamis
Sana h'wag kang sumuko mahal
Baka Sakaling hindi mo alam na gagawin ko ang lahat para sa 'ting pagmamahal.

Magkahiwalay man tayo
Ipagtabuyan mo man ako
Sana mahal mo pa rin ako
Baka Sakaling pag-okay na ang lahat magkaroon na ng "tayo"

Kahit anong mangyari
Patuloy akong magbabaka sakali
Na ang mga sana at baka sakali ko na maayos ang tayo
Ay magkatotoo.

TugmaanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon