Pagpikit ng mata

167 7 0
                                    


Sa pagpikit ng mata
Ika'y natagpuan.

Ilang libong tao,
Ang nag-asam nito.
Pero hindi nakatamtan,
Hindi mawari kung sila ba'y pinagkaitan.

Sa mundong ginagalawan,
Hindi mo malalaman kung sino ang mapagkakatiwalaan.
Kahit mismo ang leader ng bayan,
O ang mga tao sa pamayanan.

Kapayapaan.
Isang salita, pero matagal ng hinahangad.
Kahit sino ay hindi pa ito naabot ng kanilang palad.
Kaya naman nakakapagod na.

Nakakapagod--
Umasa na magkakaroon pa nito.
Makakamtan pa nga ba?
Ang sinisigaw ng mga puso.

Sa pagpikit ng mata,
Ika'y natagpuan.
Panandaliang kapayapaan,
Sa tahimik na kadiliman.

TugmaanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon