Oo

203 9 0
                                    


Oo,dalawang letra.
Nagsimula sa O
At magtatapos sa o.
Karaniwang ginagamit sa pagsagot ng mga tanong.

Akala ko dati pagsinagot ka ng oo ay masaya lagi.

Gwapo ba ako?
Oo
Mabait ba ako?
Oo
Talented ba ako?
Oo
Tayo na ba?
Oo

Dalawang salita,
Sa nakalipas na taon ay nagbigay ng saya.
Pero gaya ng mga istorya-- ito'y may wakas.
Gaya ng mga kanta-- ito'y matatapos.
Gaya ng araw-- ito'y lulubog.
Gaya ng tao-- ito'y mamamatay.
Mamamatay ang pagmamahal.
Masakit.
Mahirap.
Pero wala kang magagawa kundi itanong na lang,

Hindi mo na ba ako mahal?

At ang pinakamasakit na sagot na 'yong maririnig ay ang dalawang letra,
Na nagsimula sa O at magtatapos sa o.

TugmaanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon