Ako'y Mahalin Muli

91 3 0
                                    


Iku-kuwento--
Sakit na naramdaman
Gamit ang tula.

Nakikita mo?
Ang punyal sa puso ko
Na sinaksak mo.

Masakit, mahal.
Pero kakayanin ko
Para sa iyo.

Oo, mahal ko.
Handa akong masaktan
Mahalin mo lang.

Ilang punyal man
Ang ibaon mo sa 'kin
Hahayaan ko.

Dahil sinta ko,
Baliwala ang sakit
Mahalin mo lang.

Tanging hiling ko
Sa Maykapal ay sana
Ako'y mahalin.

Nakita mo na?
Sana mahalin mo 'ko--
Gaya ng dati.

Sa aking tula--
Sakit ang puhunan ko
'Yan ang k'wento ko.

Dugo ang tinta
Sa 'king ginawang tula
Para sa iyo.

TugmaanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon