Alin mas nakakatakot?

307 12 0
                                    

Dedicated to @NiceUan

#SpokenPoetry

Sabi nila, "h'wag kang matakot sa patay,
Dapat mas matakot ka sa buhay."
Paulit-ulit kong iniisip kung bakit?
Kung paano nila nasabi?
Na mas kailangan katakutan ang patay,
Kaysa sa mga nilalang na nabubuhay.

Sabi nila, "Matakot ka sa buhay, h'wag sa patay."
Matakot ka sa buhay kasi kaya ka nilang patayin,
At h'wag kang matakot sa patay kasi sila'y na nanakot lang.

Pero para sa 'kin, "Mas matakot ka sa buhay kaysa sa patay."
Hindi dahil sa kaya ka nilang patayin,
Kundi dahil kaya ka nilang saktan,
Kaya ka nilang sugatan,
Kaya ka nilang pahirapan,
Hanggang sa hindi mo na makayanan,
Hanggang sa ikaw na mismo ang sumuko,
Dahil sa sobrang sakit,
Dahil sa sobrang sugat,
Dahil sa pagkawasak,
Na iyong matatamo,
Ikaw na mismo ang matatakot,
Hanggang sa mabalot ng puot,
Ang 'yong puso.

#HalloweenSpecial

TugmaanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon