G.U.R.O.

79 1 0
                                    


G inabayan, inalalayan,
Mga kamay ko'y hinawakan
Tinulungan, binigyan,
Nang 'yong mga nalalaman.

U na, gusto kong magpasalamat,
Sa pangalawang kong ina, salamat sa lahat.
Pangalawa, mapalad ako,
Mapalad akong nakilala ko kayo.

R amdam ko... ang pagmamahal niyo,
Para sa mga tinuturuan niyo,
Ramdam ko... na tinuturing niyo kaming anak,
Sa bawat binibigay niyong yakap.

O ras, darating ang panahon,
Na kailangan ko nang umabante, umahon,
Para sa susunod na kabanata ng buhay,
Pero nais kong sabihin, salamat inay.

TugmaanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon