Prologue

3.5K 35 3
                                    

Im Jhoana Louisse Maraguinot, but I prefer to be called Jho. Baguhan lang ako sa Ateneo and what do you expect? Syempre maliligaw talaga ako dito, alam kong sobrang kilala tong school na to pero hindi ibig sabihin nun ay kabisado ko na ang mga lugar dito. Naliligaw ako. 


Im currently walking, I think malapit na ako sa Rizal library nang may mabangga ako, pagangat ko ng aking ulo ay may nakita akong isang pogi. Oo pogi enebe! Ay joke, pero seryoso pogi nga siya, chinito, nawawala yung mata niya sa tuwing ngumingiti siya, chinito nga eh. Ano ba naman yan Jhoana? 


"Ahh, miss sorry. Okay ka lang ba? Nagmamadali kasi ako" Sabi niya saakin pero ako? Patuloy pa ring nakatitig sakanya, huy hindi ko siya type ha? Saydang nakakaano lang talaga yung looks niya. "Excuse me.."


"Ah oo, sorry for spacing out. Okay lang ako ikaw ba? Im sorry kung naistorbo ko pa ang pagmamadali mo" 


"Okay lang, ano ka ba. By the way im Marci and you are?" Tanong niya pero hindi nanaman ako nakasagot nakita kong tumingin siya saaking ID at saka napangiti "Jhoana, sige I need to go maybe we'll see each other again kung magkakataon, ingat ha" 


Ngumiti na lang ako sakanya at saka tumango, ano ba kasi yan napaka clumsy ko naman yata? At ano daw? Magkikita ulit kami kapag nagkataon? 


Pinagpatuloy ko ang aking paglalakad habang nakangiti pa rin hindi kasi mawala sa isipan ko yung mukha nung Marci ba yun? Ang cute naman ng pangalan niya, kasing cute niya. Ay Jho, tigil.


Ay oo nga tigil, pano ba kasi may nabangga nanaman ako. Araw ko ba talaga ngayon?


"Sorry," yung lang yung nasabi ko sa babaeng nabangga ko. 


"You're here to study, not to talk with some guys! And maybe you should also watch your steps, may nababangga ka" Nagulat naman ako sa sinabi niya.


Ano ba pinagsasabi nito? Andito naman talaga ako para mag-aral, bat siya nangingialam? Nakakainis ha? Hindi naman niya ako kilala pero bakit ganito ang mga sinasabi niya.


Gusto ko sana siyang prangkahin pero may biglang tumawag sakanya. 


"Bea, let's go na" 




---

Hey sorry kung kinakailangan kong idelete yung isa kong story, naging magulo kasi and may iba pang mga reasons. Hahahaha anyways ito na lang as bawi, sayang din nun noh! Hahaha. Thanks guys! :) 



Smitten With SomeoneWhere stories live. Discover now