6

1.3K 32 1
                                    

JHO


Leche hindi pwede to, impossibleng mangyari to, hindi maari to, Jhoana Louisse Agno Maraguinot alam mo sa sarili mong straight ka, hindi pwedeng mangyari to, anuna? 


Pano ba naman kasi naglalaro kami ng truth or dare kanina tapos yung dare ni Jia kalokohan nanaman, hindi ko naman inakalang gagawin din yun nung isa naming kasama. Kaya ayun tuloy napatakbo ako dito sa kwarto ng di oras.


*flashback*


"Paikutin mo na yung bote Mich" excited na sabi ni Jia kaya naman sinunod na lang ni Mich ang kanyang sinabi, pagkatapos nun ay natawa pa siya pano ba naman tumapat yung bote kay Bea at siya yung magtatanong ng truth o magbibigay ng dare, nakadrugs pa naman tong si Jia juskolord. 


"Ako na ba yung magtatanong?" Tanong ni Mich kaya hinampas naman ni Jia ang kanyang kamay, sabi sainyo eh nakadrugs tong isang to. "Aray! Para san naman yun?" Reklamo ni Mich.


"Tanga, kung volleyball to mali na rotation mo. Ako magtatanong ano ka ba!" Natawa na lang kami ni Bea sa pagtatalo nila ni Mich, minsan kasi pareho silang baliw eh. 


"Kung makatanga ka naman no? Alam mo kung volleyball din to binigyan pa lang ako ng warning, masyado kang sadista eh" inirapan siya ni Jia "magtanong ka na" 


Tiningnan muna ni Jia si Bea at napasmirk kaya naman tong katabi ko ay napahinga naman ng malalim at saka napatingin din saakin, kapag ka si Jia na kasi yung magtatanong alam na alam ng pure kalokohan to eh. 


Huminga ulit ng malalim si Bea. 


"Truth or dare?" Tanong ni Jia sakanya. 


"Sige dare na lang, ayoko na ng truth eh masyadong masakit" Natawa niyang sabi kaya natawa na rin lang ako ng konti at si Mich din, pero si Jia seryoso parin. "dare"


"I dare you na..." Masyadong pabitin pa tong isang to. "Tayo tayo lang naman yung nandito eh, halikan mo sa leeg yung pinakamagandang babaeng nakikita mo" 


Hatala namang nagulat si Bea sa dare ni Jia, sabi na eh kalokohan nanaman to. 


Si Mich naman ay inipit niya yung kanyang buhok at niready ang kanyang leeg kay Bea, masyadong nakakatawa sorry na hahahaha.


"Bea, ready na ako. Alam ko namang ako yun eh" Natawa kaming lahat sa sinabi ni Mich, sinong magaakalang kahit apat lang kami yung nandito ay sobrang tuwa yung naramdaman naming lahat. "Jusko ang tagal naman" 


"Ano? May mas tatagal pa ba dyan? O hinihintay mo lang na iready ko yung leeg ko para agad na mahalikan mo na, alam ko namang maganda ako eh" sabi rin ni Jia sakanya. 

Smitten With SomeoneWhere stories live. Discover now