2

1.5K 38 1
                                    

BEA


So it's my first day again here in Ateneo, and nothing's changed. Ganun parin, pati yung tingin ng mga students dito saakin, well except na lang sa mga baguhan hindi nila ako kilala. By the way im Bea and yun nga kilala ako dito sa school because of my family, and siguro dahil sa last name kong De Leon.


Nga pala kanina when I was on a hurry papunta kay Maddie bigla akong may nabangga, hindi siya pala yung nakabangga saakin. I saw a girl na kakagaling lang sa usapan nila ni Marci tapos nabangga niya ako while she was walking. I was trying to act cool in front of her because damn when she looked at me parang may iba agad akong nakita sakanya, good thing Maddie called me after that, hindi ko din inexpect na we'll be joining the first subject. Umupo pa siya sa chair ko pero that's okay. Hindi ko rin alam kung bakit pumayag akong umupo siya dun. 


After naman nung subject na yun, tinanong namin siya kung gusto ba niyang sumabay saamin mag lunch, oh her name's Jho nga pala, then she agreed naman. And the funny part was ipapakilala pa sana namin siya kay ate Ella, but guess what magkakilala na pala sila. After those things, I dropped them off isa isa, si Jho naman naisipan kong ihatid na lang muna. Since wala naman na akong pasok. Sa una nahiya pa siya but then napapayag ko rin, iba ka De Leon. Kidding. 


So enough of that, natapos ko na siyang ihatid and now im on my way sa Rizal library to see babba and mommy den, I texted them kasi and they both told me na doon na lang daw magkikita. 


"Mommy" I called mommy den, humarap siya sakin and she waved her hand. 


"Wala ka na bang pasok?" Tanong niya, but something bothered me, asan si babba? Bakit hindi sila magkasamang dalawa? Akala ko ba andito sila pareho?


Umiling ako at nilibot ko ang aking paningin "By the way... Where's babba?"


"Ewan ko din, biglaan na lang siyang nawala. She never texted me kung saan ba siya, im calling her but she's not answering her phone naman. So I don't know"


I giggled, mukhang beastmode siya "Chill mom" ngumiti naman siya saakin "So you still managed to go here alone huh?"


"Minsan kasi, Iyah kailangan mo ring magisa, and speaking of magisa where's your girlfriend rin ba? Akala ko yung akin lang yung nawawala yung sayo rin pala"


We both laughed and then back to serious talk nanaman kaming dalawa.


"Ah, may pupuntahan sila ng family niya eh. Hindi naman ako invited so, wala na akong magagawa dun besides her mom doesn't like me naman so ehh. Why bother going there noh?" Natawa na lang ako ng bahagya.


It's true that Maddie's mom doesn't like me, una pa lang alam kong may nafefeel na yun para saakin eh, that's why my relationship with Maddie's a big secret to her family, minsan nakakalungkot din isipin na ayaw ka ng family ng mahal mo. Problema ko din naman ata yun cause im into girls and her family doesn't like those kind of things, I know masyadong magulo. But also I know that we'll both get through this.


"Buti natiis mo noh?" Mommy den said as she looked away. 


Smitten With SomeoneWhere stories live. Discover now