1

2.1K 46 7
                                    

JHO


Gusto ko sanang magwala dahil sa sinabi ng babaeng yun pero ano pa ba ang magagawa ko tinawag na siya ng isang niyang kaibigan ata, grabe ha. Sa ugali niyang yun may naging kaibigan pa rin pala siya?


"Jhoana Louisse Maraguinot" Tumigil ako dahil may narinig akong may sumigaw ng pangalan ko. Nilibot ko ang aking tingin pero wala naman akong may makita, sino ba yun? Hindi naman masyadong familiar yung boses gawa ng ingay dito sa paligid. 


Hindi ko na lang pinansin at nagpatuloy na lang ako sa paglalakad. Sino kaya yun? Hindi pa rin mawala sa isipan ko kung sino yung tumawag saakin, paano kaya kung may multo pala dito tas ayun yung tumawag saakin? Kailangan ko bang matakot?


"Hoy, babae nag ateneo ka lang hindi mo na ako pinansin" Lumingon ako at binatukan ako ni ate Ella. OMG siya nga buti na lang at nagkita kaming dalawa dito, siya ata yung tumawag saakin. 


So ayun nagsigawan kami ng pangalan ng isa't-isa tumigil lang kami dahil na realize namin na ang ingay pala naming dalawa at saka tumawa na lang rin, si ate Ella kasi naging friend ko to dati eh, pano ba naman laging sabog ganun din ako kaya naging magkaibigan kami kaagad. 


"Sorry na ate Ells, sa liit mo ba namang yan? Syempre hindi agad kita makikita noh" pangaasar ko pa sakanya at naningkit naman ang kanyang mga mata. 


"Wow naman, buti nga nakita pa kita kahit ang itim itim mo na" wew, hindi ko inexpect yung bawing yun ha? Grabe pero umitim ba talaga ako?  Tumawa na lang ako sa pangaasar niya. "Oo nga pala, halata namang naliligaw ka saan ba yung room mo?"


"Room 158 po ako" Sabi ko sabay turo ng direction na binigay saamin kanina.


"Huy, ang tanga mo naman bakit nakapasa ka dito sa ateneo? Andun lang yung room mo oh tapos naliligaw ka pa? Ano ba naman yan Jhoana" sabi niya sabay iling, naku sanay nako dito sa mga pinagsasabi saakin nitong maliit na to. 


"Sorry naman noh? Baguhan po ako dito, hindi naman ako ang may ari ng school na to para makabisado ko lahat. Salamat ha" Tumawa siya saakin.


"Sige na, pumasok ka na doon. Mamaya na tayo magkita, lunch tayo libre mo ha" Magsasalita pa sana ako kaso nga lang tumakbo kaagad siya "Bye Jho" 


So ayun, manglilibre ako mamaya, yehey! First day ko pa lang dito mawawalan na agad ako ng pera. Sobrang delikado pa kasi hindi sapat yung isang kanin lang para sakanya, anuna? 


Binilisan ko na lang ang paglalakad ko, para hindi nga ako malate, at pagpasok ko sa room ko ay wala pa namang tao doon, konti lang pala, pati wala pang prof dun so sayang pagmamadali ko diba? Wala rin naman pala akong aabutan? 


Umupo ako sa may gilid at may babaeng lumapit saakin, kinalabit niya ako sa braso.


"Uy" ngumiti ako sakanya syempre kailangan kong makahanap ng kaibigan noh. 


"Upuan yan ni Bea, wag ka diyan" nagtaka naman ako sakanyang sinabi. Sinong Bea ba? 

Smitten With SomeoneWhere stories live. Discover now