5

1.5K 33 0
                                    

BEA


"Beh doon tayo" masayang sabi ni Jho habang hinihila ako papunta doon sa may beach side. Ni hindi pa nga kami nakapagbihis dahil kararating pa lang namin dito tapos palubog na rin naman yung araw, natagalan kami gawa ng traffic sa Pilipinas hahaha.


"Magbibihis muna tayo, and isa pa kailangan pa nating ayusin yung mga gamit natin. Hanggang bukas pa naman tayo dito, we still have time to enjoy" sabi ko. 


Nagpout siya at bigla niyang binitawan yung kamay ko, "Sige na nga parang ayaw mo naman akong makasama eh, parang napiplitan ka lang naman. Siguro kung ako si Maddie without any hesitations papayag ka kaagad" 


"Ha?! Hindi ah? Ano ka ba, sige if you want punta tayo doon pero saglit lang ha? Kailangan pa nating tulungan sila Mich at Jia, sila pa yung kumuha ng room eh" napakamot na lang ako saaking ulo dahil sobrang drama ni Jho ngayon. 


"Hindi sige na, mamaya na lang. Hindi pa naman tapos tong araw na to. Okay lang, tara na nakakahiya naman kila Jia at Mich" ngumiti siya kaya naman tumango na lang ako. 


Binalikan muna namin sila Jia para tanungin kung okay na ba yung pinareserve naming room para saaming apat, pero papunta pa lang kami bakas sa mukha nilang dalawa ang pamomroblema. Ano kaya yung nangyari? 


"Uy buti naman at bumalik na kayo" sabi ni Mich. 


"Oo nga Bea, ano nga pala yung para sa pang apat na room eh hindi na raw available yun" sabi ni Jia sabay kamot sakanyang ulo. So anong ibig nilang sabihin?


"Kaya naman, kumuha na lang kami ng dalawang pangdalawahan" natutuwang sabi ni Mich, oo natutuwa dahil alam kong gusto nanaman niyang masolo si Jia. "Oh ikaw? Okay lang ba sayo na magkasama kayo ni Jho?"


Hindi ko alam pero parang naaawkwardan ako, dahil ba magkasama kami ni Jho sa iisang kwarto o baka naman iba na yung pagtingin ko? Loko lang, pero dahil wala na rin namang choice edi wala na akong magagawa don.


"Magkatabi lang ba yung room?" Tanong ni Jho.


"Magkaharap" sabat naman ni Jia sabay ngiti kay Jho na tumango na.


"Anuna? Okay lang ba sayo?" Tanong ni Jho saakin at tumango na lang ako. 


"Ah oo naman, so okay na ba Mich?" 


"Yeah, tara na doon. Ito na yung room number and key" sabi ni Mich saka inabot niya saakin yung card. 


Agad naman naming binuhat yung mga kakailanganin namin, at sabay sabay nang pumunta sa kung saan man yung room namin. Good thing at magkaharap lang yun, anytime pwede kaming lumipat lipat.


Pumasok na kaming dalawa ni Jho at ganun din sila Jia at Mich sa kabilang room, agad kong nilapag yung ibang gamit sa sahig at yung iba naman ay nilagay ko sa kama. Napansin kong hirap na hirap si Jho sakanyang gamit, pano ba naman sobrang dami niyang dala kaya nagvolunteer na akong tumulong. 

Smitten With SomeoneWhere stories live. Discover now