4

1.6K 32 0
                                    

BEA


It's been weeks na wala na kami ni Maddie, and I must admit na ang hirap parin lalo na't lagi kaming nagkikita sa iisang klase. Hindi ko rin alam kung bakit hindi na kami nagpapansinan, tuwing makikita ko siya ngumingiti ako sakanya pero parang wala lang sakanya. Parang lahat ng bagay bumalik sa zero, ang hirap. 


Kaya naman naisipan kong kausapin yung dean namin at humingi ako ng bagong schedule good thing nag agree din naman siya, para kahit dito na lang wala nang awkward sa amin ni Maddie, ako na rin yung pumili ng sched ko para maiwasan ko na rin siya.


Papunta ako ngayon sa cafeteria to eat something, medyo nagutom rin kasi ako roaming around here inside the campus. Wala lang trip ko lang maglakad lakad, these past few days kasi ganito na yung naging routine ko, kulang na lang daw ikutin ko yung buong Ateneo sabi ni Jho. Oo nga pala Jho and I are close na rin. 


"Jho" Sigaw ko at lumapit naman agad sakanya "Sino kasama mo dito? Ikaw lang?"


"May nakikita ka ba Beatriz?" She sarcastically asked umiling naman ako "Odi malamang wala ano ka ba, nawala lang si Maddie nawala na rin yang common sense mo" at inirapan pa niya ako.


"Oh, sorry naman. Baka kasi mamaya magkasama pala kayo nung gwapong chinito na tinutukoy mo" Pangaasar ko, nagsheshare kasi siya about kay Marci eh hindi niya alam na magkaibigan kami nun. And crush daw niya yung unggoy na yon. Hahahaha.


"Lul Beatriz tigilan mo ako, ayokong umasa baka mamaya pala may girlfriend yun tapos ganyan ganyan ganyan ewan" minsan di ko rin alam kung tao o alien to eh. 


"Anong ganyan ganyan? Ano, walang girlfriend yang si Mar-- Mister chinitong sinasabi mo" muntik na kong madulas don ah. Hindi naman sa ayaw kong malaman niya na magkaibigan kami ni Marci gusto ko lang talagang makakuha pa ng more information para ishare ko din dun sa isa. 


"Eh paano mo naman nalaman?" 


"Eh basta, ang alam ko wala siyang girlfriend kasi bading siya" Halata namang nagulat siya saaking sinabi "Hindi joke lang yun, kumain ka na ba?" 


"Minsan nakakagulat ka rin eh noh? Hindi pa ako kumain, ikaw ba?" Umiling ako "Sige tara sabay na tayo, syempre KKB di ako mayaman noh" 


Natawa na lang ako sa sinabi niya at umorder na kaming dalawa, ang takaw lang ni Jho hindi pa naman lunch pero naka dalawang kanin na siya ngayon at fried chicken, ako naman umorder lang ako ng sandwich kasi hindi ko pa naman kasi trip kumain, at isa pa busog pa naman ako.


Tahimik kaming dalawa, wala akong balak na istorbohin siya baka mamaya magwala pa yan dito, nakakahiya. Napansin ko naman na may umupo sa tabi ng table namin ni Jho kaya napatingin ako doon, nakita kong masayang naguusap si Maddie at si Cole. Oo si Cole. Tsss


Hindi ko maintindihan kung bakit hanggang ngayon nagseselos parin ako kahit wala na kaming dalawa at sa bestfriend lang niya. Feeling ko kasi possibleng maagaw ni Cole si Maddie saakin, pero sabi nga ni Jho wag masyadong umasa. 

Smitten With SomeoneWhere stories live. Discover now