3

1.4K 27 1
                                    

MADDIE


Binaba ako ni Bea sa condo ko because I need to get ready for our family day out, family day, or mini family reunion, or whatever you call it, biglaan lang naman kasing napatawag si mom and told me about the event so hassle. Kakatapos lang ng class ko aalis agad ako to catch up with the rest of my fam.


Nagpaalam din si Bea na ihahatid na lang daw niya si Jho dahil pupunta rin naman siya ng Ateneo, kaya pumayag ako of course who am I to disagree and besides Jho and Bea are already friends naman na. Hindi mahirap pakisamahan si Jho. 


Sinundo nila ako at pumunta na kami sa venue kung saan gaganapin yung event, and yeah I saw a lot of people there kilala ko naman sila cause they're all my family, andun din yung mga cousins ko na pinakaclose ko sa lahat. 


Wala naman masyadong ganap dito, except sa get together naming lahat, they played games, kwentuhan at kung ano ano pa. Ako naman andito lang sa gilid. 


"Ate Maddie tawag ka" Nagulat na lang ako ng bigla akong kinalabit ni Miles sa likod. Nagpout pa siya sa direction kung sino yung tumawag saakin at nakita ko si mom nakatingin saakin. "Bilisan mo, kakausapin ka daw"


"Oh teka lang, ito na nga oh? Tatayo na ako" Nakangisi kong sabi habang tumatayo.


Dumiretso ako doon, ano nga ba ang paguusapan naming dalawa? Tungkol nanaman ba to kay Bea? Sana naman hindi, ayaw ko kasing mag away nanaman ulit kaming dalawa because of that topic. She doesn't like Bea kasi, at yung pagkakilala niya kay Bea ay bestfriend ko lang.


"Yes Ma?" Tanong ko at nakatingin pa rin siya saakin.


"Malapit na akong umalis anak" Sabi niya saakin, and yes she's leaving for work. "Pero bago yun, may napagusapan kami dito" nakangiting sabi niya saakin so I bet this one's a good news? 


"Oh, ano naman yun ma?" 


Napatingin naman ako sa iba pa naming family members dahil mukhang natutuwa sila saakin, hindi ko alam kung saakin ba o sa sasabihin ni mom. Ewan ko lang.


"We've already arranged your marriage" and by that napanganga naman ako.


I mean wtf? Tama ba yung narinig ko? Walang halong joke ba yun? Kanino naman, ayaw ko ano sila na lang ba ang magdedesisyon para sa sarili ko? Hindi ba pwedeng kahit diyan ako yung masusunod. Maddie you're not a robot, ano ba to?! 


"Huwag kang magalala anak, kilala mo siya. He's your bestfriend" 


"Si Cole?!" Napalakas naman ang pagkasabi ko nun, napatingin naman silang lahat saakin na para bang gulat na gulat dahil sa inasta ko "Ma? Ano?! Magpapakasal ako kay Cole? No ma, paano na lang si Bea?"


"I've already talked to Cole's family Maddie, hindi rin malabo because may gusto rin siya sayo anak, and I know makakabuti ito for our business" kumunot naman ang noo niya "Ano ang koneksyon nito kay Bea?" 

Smitten With SomeoneWhere stories live. Discover now