7

1.3K 43 0
                                    

BEA


I woke up early in the morning, and I feel like there's someone who's hugging me from behind. I looked down and yes, tama nga ako. May nakayakap saakin, dahan dahan akong lumingon para makita kung sino ba yung nakayakap saakin, and then I saw Jhoana. I don't know why all of a sudden I felt some satisfaction knowing that Jhoana Maraguinot's hugging me. 


Slowly my lips began to beem.


She changed her position and slowly opened her eyes. Sobrang nagulat ata siya when I was the one whom she saw first early in the morning, wala akong ibang ginawa kundi ang ngitian siya. 


"Good morning" I cheerfully greeted with a wide smile in my face. 


"Wait, teka nagising ba kita, Bea?" Tanong niya at bigla na lang siyang napaupo sa kama naming dalawa. We have two beds in the room but instead she slept in mine, I don't even know why. "Sorry kung oo" 


I'm still smiling at her, enjoying her presence. "No, you did not. Can I ask you a question?" She took a deep breath before she nods, "Bakit sa kama ko ikaw natulog, and why are you hugging me?" Napangiwi na lang ako sa tanong ko sakanya. 


"Oh fuck" Hindi ko narinig pero I saw her mouthed those words "A-ano kasi, kasi kagabi lasing ka tapos ano, akala mo ako si Maddie pero sinabi ko sayo na ako si Jho tapos... Paano ko ba sasabihin to" Napakamot siya sakanyang ulo. 


"Tapos...."


"Tapos ano, nagulat ako. Kinuha mo yung kamay ko at pinayakap sayo. Nasayo na yan kung paniniwalaan mo ba yung mga sinabi ko" Sabi niya pagkatapos ay tumingin siya sa malayo. Okay so she's blushing nanaman. 


Naalala ko kagabi, I saw her blushed for the first time, at pagkatapos nun ay hindi ko na naalala yung mga nangyari. Siguro nga lasing nako nun, and all I have to do now is to believe in what Jho's saying. 


"Reasons. Baka naman pinagsamantalahan mo yung pagiging lasing ko?" I joked and it seems like hindi naman natuwa si Jho sa naging joke ko. 


"Aba, so ako pa ngayon tong a---"


"Aray!" Hindi niya natapos ang kanyang sasabihin dahil biglang sumakit yung ulo ko. Bumalik ako sa pagkahiga at kinagat ko na yung unan dahilan sa sobrang sakit talaga. 


"Okay ka lang?" Tanong ni Jho saakin na parang hindi na niya alam kung ano ang gagawin niya. "Teka, kukuha lang ako ng gamot tatanungin ko kung may dala bang extra si Jia" 


"Hindi na, okay lang. Hang over lang yata to. At saka wag mo na silang istorbohin, 5 pa lang ng umaga Jho. Sorry kung nagising kita"


"Uh, sige! Wait ikukuha na lang kita ng tubig. Cold or lukewarm?" Tanong niya saakin pero hindi ako nakasagot agad. Sobra kong naappreciate yung pagiging caring sakin ni Jho ngayon, hindi ko alam na may ugaling ganito pala siya. Cause all I can see is yung Jhoana Maraguinot na happy-go-lucky lang, "Uy, okay ka lang?" She said as she snap her fingers in front of my face.

Smitten With SomeoneWhere stories live. Discover now