Chapter 20

30 1 0
                                    

Miza's POV

Ilang araw na din ang nakalipas at hindi na kami nagkikita ni Ryan. Kung pupunta ako sa kanila palagi na lang siyang wala. Kung tinatawagan ko naman cannot be reach palagi. Diba? parang bumaliktad lang yung nangyari sa akin? tss! Kumusta na kaya yun galit pa yun sa akin? Hindi naman talaga yun ang gusto kong mangyari eh. Sa tagal namin nagkasama ni Ryan ngayon lang kami nag-away ng ganito.

Tapos yung problema ko pa sa pamilya ko dumagdag pa. Tanggap ko naman eh. Pero kung iisipin ko na hindi ko sila tunay na magulang parang naiiyak ako kasi minahal ko na sila eh tapos trinato pa nila akong parang tunay na anak. 

"Miza nakikinig kaba sa amin?" Sabi ni Rhaven sa akin. Andito kasi kami ngayon sa Starbucks. Nag-aya kasi sila ngayon kasi daw boring daw at walang pasok kasi holiday.

"Huh?"

"Sabi ko nakikinig kaba sa amin? Miza sabihin mo nga sa amin may problema kaba? napapansin namin parang palagi kang tahimik ah, hindi ka naman ganyan"

"Ahh, sorry. Wala may iniisip lang ako"

"Alam mo Miza, benta na yang palusot mo samin eh. Kaya alam namin kung kailan ka may problema kaya sabihin mo na sa amin" sabi ni Bianca habang nilalantakan niya ang Paborito niyang pagkain which is Spaghetti. Agawin mo na lahat sa kanya wag lang yung Spaghetti niya kasi baka makakakita ka ng World War 3!!

"Kasi galit sakin ngayon si Ryan eh!!! Anong gagawin ko?!!" sabi ko na parang iiyak na. Kasi naman eh ngayon lang to nangyari sa amin.

"Ano ka bata? kung maka iyak ka parang inagawan ka namin ng candy eh!" sabi ni Allyssa sa akin

"Seryoso ako!!"

"Miza, madali lang yan edi humingi ka ng tawad. Sus ang maliit na bagay pinapalaki mo. Ano ba kasi ang problema at nag-away kayo?" tanong ni Rhaven

"Kinomfront ko lang naman siya about dun sa gusto ng papa niya na mag-aral sa ibang bansa. eh na misunderstand niya ang gusto kong ipahiwatig sa kanya, akala niya ayaw ko na daw siya kasama kaya pinapaalis ko siya!!" Sabi ko tas kinain yung carbonara na nasa harapan ko.

"Hoyy bakit mo yun kinain? akin yun!!!" sigaw ni Merly sa akin

"Bumili ka na lang."

"Naman eh!!" sabi niya tapos nag order ulit sa counter.

"Kaya naman pala, Edi humingi ka ng tawad sa kanya." simpleng sabi sa akin ni Allyssa

"Pano? eh hindi nga sinasagot ang mga tawag ko tapos palagi namang wala sa bahay!"

"Anong alam namin? Eh diba ikaw ang Bestfriend?"

Oo nga naman. Pero saan ko naman siya pwede puntahan? Park!!  Oo sa park dun kasi siya pumunta kapag may problema siya baka andun siya ngayon!

"Sige aalis na ako may pupuntahan lang ako!" sabi ko tapos tatayo na sana ng biglang hilahin ako ni Bianca paupo ulit.

"Wag ka munang umalis may dapat pa tayong malaman galing kay Merly" seryosong sabi niya habang nakatingin sa direksiyon ni Merly. 

"Huh? bakit ako? anong ginawa ko?" takang tanong ni Merly sa amin

"Bakit hindi mo sinabi sa amin nga pumunta pala kayo ni Jboy sa Davao nung isang araw ha?!" seryosong sabi ni Bianca sa kanya.

Ayy oo nga pala hindi pa sinasabi ni Merly sa amin ang rason kung bakit sila magkasama ni Jboy sa Davao. Eh magka-away sila tapos bigla na lang silang nagkasama? ano yun? Magic?!

"Diba kaaway mo si Jboy? galit na galit ka nga sa kanya eh." sabi naman ni Allyssa

"Tapos isang araw bigla na lang kayo magkasama? Alam namin na may gusto ka kay Jboy eh, ang hindi lang namin alam kung bakit bigla kayong naging close?" Sabi  ni Rhaven

"Oo nga napansin ko rin simula nung galingtayo sa tagaytay parang naging close kayo, anong meron?"

"Huh? Ahh- ka--si " sabi ni Merly habang nauutal

Tingnan mo ang pula pula na niya! At yung mukha niya parang natatae na ewan!

"Okay Fine!!!" sigaw niya sa amin "pumunta kami ni Jboy sa Davao para puntahan ang Orphanage na tinutulungan niya doon. Tapos Hindi naman kami close eh! Wala lang daw siyang ibang kasama doon kasi busy ang lahat pati mga kaibigan niya!!" 

"Eh bakit ka sumisigaw? pwede mo naman sabihin ng maayos" sabi ni Bianca. Nakakatawa talaga ang dalawang ito!

"Teka-- bakit ako lang ang nakikita niyo? Eh yang si Miza may hindi rin sinasabi sa atin!" sabi niya sabay tingin sa akin. Huh? ako ano naman aber??

"Akala mo siguro hindi kita nakita na may nakilala ka doon sa tagaytay na gwapo tapos minsan tumatawag pa sayo. Hindi na lang ako nangialam kasi baka sasabihin mo sa amin. Pero mukhan wala ka naman plano eh!!" sabi niya. Pagkatapos sabay silang lahat na tumingin sa direksyon ko.

Si Broy ba ang tinutukoy nito? Pano nalaman yun ni Merly? sumusunod ba siya sa akin? 

"Miza?!" sabi ni Rhaven. pagtingin ko sa kanila lahat sila ay masama ang tingin

"Wooohhh!!! nagkakilala lang naman kami dahil sa mga kapatid niya na nakalaro ko sa dagat. sasabihin ko naman sa inyo eh kung magkikita kami ulit taga tagaytay kasi sila. Tapos akala ko naman wala lang yun sa inyo. Kaya hindi ko lag sinabi okay?" sabi ko sa kanila. pero parang hindi sila na satisfy sa sagot ko kasi nakatingin pa rin sila sa akin.

"Guyss!! Friends lang kami okay? walang malisya!" sigaw ko sa kanila kasi para akong kriminal na may pinatay na isang tao hindi kapani-paniwala ang sinasabi ko. Hayyss!!

"Okay, so much for that gusto ko lang sabihin sa inyo na pinapapunta tayo ni Lola sa bahay kasi magluluto daw siya para sa inyo." sabi ni Bianca. Wow!! foods na naman. masarap pa naman magluto ang lola ni Bianca.

"Tara na!" sabi ni Allyssa sabay Hila sa amin lahat palabas ng starbucks.



Fated to Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon