ME's POV
Nagising ako sa sinag ng araw galing sa bintana ng aking kwarto. Nakatulog tuloy ako sa kakaiyak kagabi.
Knock! Knock!
"Anak gising ka na ba?"
Sino kaya ang totoo kong mga magulang? Gusto ko silang Makita, makausap at tanungin kong bakit nila nakayanan na ipamigay ako.
"Anak" naramdaman kong umupo siya sa gilid ng aong kama "patawarin mo sana ako kasi nilihim namin ang tungkol ditto."
Tumayo ako sapagkakahiga at umupo sa kama para harapin si mama. Wala akong dapat ikagalit sa kanila kasi kahit papano at tinurinng nila akong totoong anak, hindi nila ako pinabayaan, inalagaan at minahal nila ako ng boung puso. " Ma, hindi ako galit sa inyo ni papa ok? Hindi ko lang naman matanggap na pinabigay ako ng mga magulang ko, hindi ba nila ako gusto? Ayaw ba nila sakin?" ayan na naman tumutulo na naman ang mga luha ko
Yinakap ako ni mama habang patuloy parin ang mga luha kung dumadaloy sa mga pisngi ko. "shhh,, wag kang magsalita ng ganyan anak, ako mismo ang nagsasabi sayo na mahal ka ng mga magulang mo."
"pero bakit ganon ma? Bakit nila ako binigay?"
"siguro gusto nilang magkaroon ka ng magandang buhay, kaya ka nila binigay, pero hindi ibig sabihin nun hindi ka na nila mahal anak."
Pinunasan ko ang aking mga luha, dapat hindi na ako umiyak kasi palagi na lang ako umiyak. Dapat maging metatag ako.
"oh sige, tumayo ka na diyan at maligo kasi may naghihintay sayo sa baba"
Huh? May naghihintay?
"sino po ma?"
"secret, basta dalian mo ha, kanina pa yun naghihintay sa baba" sabi ni mama sabay halik saking pisngi.
"sige po"
Tumayo na ako at naligo, kailangan hindi na ako iiyak para hindi na ako maging mahina kasi marami pa akong dapat gawin sa aking buhay.
Tapos na akong maligo at nagbihis, humarap ako sa salamin. Ang laki na ng eyebags ko para akong binugbug nito eh. Nag sout lang ako ng jeans at white na –shirt, hindi naman kasi ako lalabas kay ok na siguro tong sout ko..
Pagbaba ko, nakita ko si Ryan sa sala na nagbabasa ng magazine " oh Ryan bakit ka andito?"
"Anong nangyari diyan sa mga mata mo?"sabi niya sabay lapit sa akin
"ahh.. eto wala to, late na kasi ako natulog kagabi,bakit ka pala andito?"
"Bakit hindi na ba ako pwede dumalaw sa bahay ng bestfriend ko?"
"hindi naman, Pero wala ba kayong lakad ngayon ni Jane? o baka naman trabaho sa company?"
"ahh, yun ba, wala kasi busy daw siya,"
Mabuti pa si Jane naiintindihan niya kung busy siya, pero bakit kung ako ang busy kailangan ko pa rin samahan siya para lang hindi siya magalit? Ako kasi besftriend lang pero si Jane ay girlfriend niya at mahal niya.
"Ganun ba, eh sila J-boy? wala ba kayong lakad magbarkada?"
"Si J-boy pumunta sa Davao kaninang umaga kasama si Merly, tapos si Gabriel at keven ay nagpasama kila bianca at Alyssa sa Mall kasi may bibilhin daw,"
Si merly at J-boy magkasama? Eh diba hindi yun mapagbati? Parang may hindi ako alam dito ahh..
"Pano nagkasama sila J-boy at Merly eh hindi yun mapagbati diba?"
"Ewan ko dun sa dalawa, basta ngayon tayo ang may lakad" sabi niya sabay hila sa mga kamay ko. Wait iniiwasan ko siya diba? pero bakit naman kasi ang hirap. nako naman oh!!!
"Teka, anong may lakad, wala ka namang sinabi ah"
"Wala nga akong sinabi kasi surprise ang lakad natin, alam mo bespreen matagal tayong hindi nagkasama kasi naging busy ako, tapos hindi mo pa sinasagot ang mga tawag ko, ayaw mo ba akong kasama ngayon bespreen?"
"Sus!! nag drama kapa, ang sabihin mo na miss mo lang ako." hayss hindi ko talaga siya ma tiis, pano na lang ang plano na lubayan siya?
"Kaya nga namiss kita, kaya please bespreen pagbigyan mo na ako ngayon"
"Sige na nga pero magbibihis muna ako" aakyat na sana ako pero hinila ulit ang kamay ko, uso ba ngayon ang hilahan? Sabihin niyo nga sakin para naman ma update ako.
"Bespreen wag na, ok na yang sout mo, halika ka na para mataas ang oras natin," yung totoo hindi naman siya nagmamadali ano?
"Oo na, pwede maglakad lang tayo kasi para tayong hinahabol eh"
Someone's POV
Ganyan dapat, magsaya ka lang Miza kasi malapit nang masira ang buhay mo kaya lubuslubusin mo na ang mga masasayang araw na kasama mo si Ryan kasi....
.....
....
....
.
.....
......
.....
....
....
...
....
....
....
I'll be back to ruin your Happiness..
BINABASA MO ANG
Fated to Love You
Teen FictionDalawang mag bestfiend naligaw ng landas na tatahakin. Pano nila lalabanan kung ang tadhana na mismo ang naglalayo sa kanila? Mary Elizabeth Perez - Nagmahal ng lubos, Nagparaya, Naging Tanga, Lumaban, ngunit sa huli NASAKTAN. Ryan Santos- Tanga, Na...