Ngayon na ang araw ng alis ko papunta sa Las Vegas. Aasikasuhin ko na ang mga dapat gawin para makabalik ako agad.Kinakabahan ako dahil kung ano ang pwede na magiging reaksyon nila Mama tungkol sa amin ni Ryan. Pero sana susuportahan nila ako sa naging desisyon ko.
Andito na kami ngayon ni Ryan sa airport, hinatid pa kasi ako, sabi ko nga na kaya ko na man pero ayaw talaga pa awat at nag drama pa na baka daw ayaw ko siyang kasama at baka daw may ibang maghahatid sa akin.
Naghihintay na lang ako sa flight ko na tawagin at tapos ay aalis na ako, hindi naman marami ang dala ko isang maleta lang kasi marami pa naman akong gamit sa Las Vegas halos lahat andun.
"Siguro kana bang hindi mo ako kailangan dun?" tanong ni Ryan. Pang ilan na ulit na niyang tanong ito sa akin kaya pati ako ay parang natatawa na taga tanong niya kasi para siyang paranoid na hindi na ako babalik.
"Ryan" banggit ko sa pangalan niya at hinawakan ang magkabila niyang pisngi "Wag ka ngang paranoid diyan, kaya ko naman talaga eh, kung kailangan kita tatawagan kita agad kaya wag kanang malungkot diyan babalik agad ako okay?" sabi ko sa kanya
"Kasi baka magbago nanaman ang desisyon mo, baka pagdating mo doon ma isip mo na wag nalang e tuloy ang kasal tapos hindi kana babalik dito, baka makahanap ka ng maipapalit doon sa akin. Subukan mo lang Miza at hindi ako magdadalawang isip na sundan ka doon at ipapatay ang lalaki na aagaw sayo sa akin."
Ewan ko ba kug kikiligin ba ako o matatawa sa mga sinabi niya.
"Wala nang mas hihigit sayo okay? Ikaw lang ang laman nito" turo ko sa puso ko "at nito" at sa isipan ko.
"Wag masyadong close kay Broy ha? nagseselos pa rin ako." sabi niya nang nakasimangot
Nung nalaman niya kung gaano kami ka close ni Broy ay para nang kabute kung makadikit sa akin tuwing tatawag si Broy.
Tanong pa siya nga tanong kung normal pa ba daw yun na may pa halik halik sa pisngi kahit magkaibigan lang. Sabi pa niya na baka daw may gusto na si Broy sa akin hindi lang nito sinasabi. Tsk! e may girlfriend na nga ang tao at bestfriend ko pa.
"Opo Mahal na Hari" sagot ko sa kanya
Calling flight 1102589 going to Las Vegas please proceed to Gate 5
"Aalis na ako, mag-iingat kayo dito ha? Ryan hindi ka pwede palagi nasad bar kapag malaman ko lagot ka sakin pagdating ko" paalam ko sa kanya
"Masusunod po Mahal na Reyna! Ikaw rin ha? mag-iingat ka. Pakakasalan pa kita" sabi niya sabay halik sakin.
"I love you" sabi ko
"I love you too"
Kinuha kona ang maleta ko at naglakad na papunta sa flight ko, bago ako nakapasok ay tumingin muna ako kay Ryan na naghihintay rin na maka pasok ako bago siya umalis. Kumaway lang ako sa kanya at ganun rin siya.
Pagdating ko sa Las Vegas ay balik trabaho nanaman ako nito. Baka wala nanaman akong tulog dahil sa subsob ko sa mga ginagawa ko sa company.
---------------------------------------------------------------------------------------------------
Kadadating ko lang dito sa Las Vegas, palabas palang ako sa airport, sabi ni Broy siya daw ang susundo sa akin kasi hindi ako agad uuwi may dapat akong gawin sa opisina ngayon.
Nag ring ang cellphone ko at nakita kong si Broy ang tumatawag kaya sinagot ko agad
[Where are you? andito na ako sa labas]
"Kadadating ko lang palabas na ako"
[Okay]
Pagkatapos ay binaba ko na ang tawag, paglabas ko ay agad ko naman siyang nakita na naghihintay.
BINABASA MO ANG
Fated to Love You
Teen FictionDalawang mag bestfiend naligaw ng landas na tatahakin. Pano nila lalabanan kung ang tadhana na mismo ang naglalayo sa kanila? Mary Elizabeth Perez - Nagmahal ng lubos, Nagparaya, Naging Tanga, Lumaban, ngunit sa huli NASAKTAN. Ryan Santos- Tanga, Na...