Chapter 14

31 2 0
                                    

Ryan's POV

Ano kaya ang problema ni bestfriend? pansin ko nitong mga nakaraan palagi siyang nalulungkot,  tapos kung tatanungin ko naman hindi rin niya sasabihin sakin, hindi naman to naglilihim sa akin noon eh  bakit kaya?

"Ryan bakit parang ang lungkot ngayon ni Miza?-Bianca

"Hindi ko rin alam eh, hindi niya naman sinasabi sa akin kung bakit"

"Ano kaya ang nangyari dun"-bianca

"Hayaan niyo na lang yan sure naman ako na ok lang siya, Si Miza pa!"-Rhaven

Tatanungin ko mamaya si ME kung bakit siya malungkot, ayaw ko pa naman siya makita na malungkot.

"Hi guys!!!" 

Andito na pala sila Jboy eh, bakit kaya ang tagal nito?

"Bakit ang tagal niyo Jboy?"-Gabriel

"May dinaanan lang kasi kami saglit"paliwanag niya samin  tss!!  eto talagang si Jboy mahilig maglakwatsya mabuti at napapayag niya si Merly.

"So ano pasok na tayo?" 

"Teka sandali wala pa sila Keven at Miza!" sabi ko sa kanila, saan kaya sila pumunta?

"Wala pa ba sila dito? eh una silang umalis samin"-Jboy

"Nagkita kayo?" tanong ko kay Jboy

"hindi niyo alam? pinuntahan nila kami sa parking lot, pero pinauna na namin sila dito kasi kinuha pa namin ang mga gamit namin ni Merly" paliwanag niya samin

Huh?pumunta sa parking lot? pano niya nalaman na andun sila Jboy? 

"Oh ayan na pala si Keven eh"-Bianca

"Pero bakit hindi niya kasama si Miza?"Allyssa

asan kaya si Bestfriend?

"Keven asan si Miza?" tanong ko kanya, hindi ko alam pero parang nakaramdam ako ng galit sa kanya.tsk!  kung may mangyari kay Miza kakalimutan ko talagang magkaibigan kami!

"Nag paiwan sa dalampasigan, sabi niya malilibot siya sandali at babalik agad"-Keven

"Yun naman pala eh! so ano tara na?"-Jane

Ano? hindi na namin hihintayin si Bestfriend?dapat kasabay si bestfriend kung ano pa ang mangyari sa kanya lagot ako kay tita.

"Sige una na lang kayo susunduin ko na lang si Miza saglit"sabi ko sa kanila. 

"Wait samahan na kita-Jane

"Sige una na kayo dun"sabi ko sa kanila "Susunod nalang kaming tatlo mamaya" kailangan ko muna siyang hanapin baka mapano pa yun

"Oh sige, So ano tara?"-Jboy

"Sige!"-Merly

*****************

Nandito kami sa dalampasigan ngayon ni Jane nagikot-ikot para hanapin si Bestfriend,  san kayo yun nagpunta?

"Ryan bakit concern ka masyado kay Miza?"

"Siyempre kasi bestfriend ko yun" Concern talaga ako kay Bestfriend, kasi mahal ko yun, ayaw kong mapahamak siya noh, tapos binilin rin kasi siya ni tita sa akin kaya kung ano ang mangyari dun lagot ako kay tita!

"Ryan may tanong ako" 

"Ano yun?" patuloy pa rin kami sa paglalakad papunta sa dalampasigan. 

"May Gusto kaba kay Miza? sa Bestfriend mo?"

Huh? kay Besftriend? eh bestfriend ko yun. 

"Ano? wala, bestfriend ko yun noh, ano kaba, tapos may gusto rin akong iba"Oo may gusto ako at siya yun, siya ang gusto ko, si Jane!

Fated to Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon