Chapter 37

21 0 0
                                    

Nagpatuloy ang gabi namin magbabarkada sa bahay nila Rhaven. Nag tawanan, kainan, at minsan nauuwi sa biruan. Masaya ako kasi bumalik  ang aming dating pagkakaibigan, at pinagsamahan.

Malapit nang mag 12 ng gabi pero andito pa kami sa sala nila Rhaven at sa palagay ko ay wala pang mga plano ang mga ito na umuwi. Naka upo kaming lahat sa sofa nila Rhaven. Yung mga boys ay nasa kabilang side at kami naman sa kabilang side bali opposite kami ng mga inuupuan.

Sana sa pag-alis ko ay mananatili parin ang aming samahan at ang aming pagkakaibigan. Sana hindi na bumalik ang mga nangyari noon sa amin. Masaya na ako na bou at masaya na kami uli magbabarkada.

"Miza tuloy kana ba talaga sa pag- alis mo?" biglang tanong sa akin ni merly habang naka tingin sa akin na kung titingnan mo ay puno ng lungkot ang mga mata niya.

"Oo kasi andun na sila mama, dun na rin kasi ang buhay ko eh, kaya kailangan narin akong bumalik doon." sagot ko sa kanila. Masakit man isipin pero ayaw ko ri mn iwan ang barkada ngunit hindi rin naman pwede na pabayaan ko ang mga bagay-bagay na naiwan ko sa Las Vegas halong-lalo na ngayon na kailangan ako ng company namin.

"Pano kami? iiwan mo na lang kami ulit?" tanong ni Alyssa sa akin.

" Ano ba kayo, kahit nasa malayo ako pwede pa rin naman tayo mag-usap'2 diba? o kaya sa chat. Pwede rin kayo magbakasyon doon. Kaya wag na kayo malungkot"

" Malulungkot talaga kami kasi aalis ka nanaman, sandali panga tayo nagkasama-sama ng ganito tapos aalis ka nanaman. Pero wag kang mag-alala bibisita kami doun sayo" sabi ni Gabriel sa akin, Ngumiti naman ako sa kanila. Nang tingnan ko si Ryan ay napakatahimik nito, ano kaya ang nangyari dito?

"Nga pala Miza kumusta naman ang buhay mo doon? Marami kabang mga kaibigan? Marami bang nangliligaw? O baka naman may boyfriend kana doon hindi mo lang sinasabi sa amin" Tanong sa akin ni Bianca. Ewan ko pero sa tanong niya ay parang na tawa ako

"Okay lang naman, nasanay na ako sa buhay ko doon. Marami na akong kakilala lalong-lalo na sa negosyo. Kung kabigan naman ang pag-uusapan ay meron din." Sabi ko sa kanila ng nakangiti

"Manliligaw? o Boyfriend meron naba? nagkaroon naba?" tanong nila sa akin

" Sa sobrang busy ko wala akong panahon para diyan, nakalimutan ko ngang hanapin si Mr.Right" Biro ko sa kanila

"Pano mo naman mahahanap si Mr. Right doon e andito siya sa Pilipinas hahahaha" sabi ni jboy sabay tawa kaya napaisip ako kailan ko kaya mahahanap ang para sa akin? minsan rin napapagod na ako at napapaisip kung kailan ba ako magse settle sa buhay ko.

" Kayo nga eh, dapat nga mas balitaan niyo ako ngayon sa mga lovelife niyo. Hindi lang kayo umasenso sa buhat pati lovelife sobrang asenso diba?" sabi ko sa kanila "Nga pala Bespren? ikaw kailan mo plano mag settle? parang ikaw na lang ang naiiwanan sa kanila dito ah" sabi ko sa kanya nung napansin kong tahimik pa rin ito at parang ang malalim ng iniisip.

" Pano naman eh katulad mo yan hinahanap pa rin si Ms. Right HAHAHA minsan nga naisip ko balit kaya hindi na lang kayo? bagay naman kayo eh, may pinagsamahan at parehong naghihintay. Eh kung kayo na lang kaya?" biglang sabi ni Sebastian sa amin.

Natigilan ako sa sinabi niya. Seryoso? akala ko ba mahal na mahal niya si Jane? Nagparaya pa nga ako para sa kaligayahan nila diba? Ang gulo! Uminom ako ng juice nang-

"Bakit nga ba hindi na lang tayo?"

Natigilan ako, At hindi lang ako dahil nakita kung natahimik rin silang lahat sa sinabi niya. Teka- Totoo bato? Hindi ba siya nagbibiro? Alam niya ba ang sinasabi niya? Baka naman nakainom nato si Ryan.

Tiningnan ko si Ryan ngunit nabigla ako kasi nakatitig rin pala siya sa akin. Wala akong ibang makita o mabasa sa mga mata niya kundi puro lungkot. Kaya hindi ko rin nakayanan umiwas ako ng titig sa kanya kasi feeling ko wala akong maihaharap sa kanya. Wlaa akong masagot sa sinabi niya.

Fated to Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon