Chapter1:
Keisha POV'"Peste naman jhoerick, tigilan mo na ako." Kahit kelan talaga panira ng araw itong lalaking to. Imagine, nag uunwind lang ako sa mall dahil na kaka stress lang minsan at nakakapagod sa trabaho tas makakasalubong mo bigla ang bwisit mong ex?! Kainis lang e!
"Keisha, alam kong mahal mo pa ako. Kaya wag ka nang mag pakipot." Abat?! Pag ayaw, pakipot agad? Diba pwedeng nagising lang sa mahabang pag papakatanga? E peste pala to e. Naku kung wala lang talagang madaming tao dito, malamang naka tanggap na ito ng mag asawang sampal saakin.
Mas binilisan ko pa ang paglalakad at ang mokong ganun din ang ginawa=_=#"Isa jhoerick, tigilan mo na ako!" Sabi ko dito.
"Bigyan mo ako ng isang malalim na dahilan kung bakit ayaw mo na saakin!"
Napatigil naman ako sa sinabi nya.
Tsk, hindi naman sa bitter ako o kung ano huh, pero baliw pala to e. Hindi pa ba sapat na dahilan ang pag kahuli ko sa kanya na nakapatong sya sa kung sinong babae?! Hayy, kung pinigilan lang sana nya ang kabastusan at kamanyakan nya malamang nag papakatanga padin ako sa kanya. I mean, baka kami pa pala=_='
Pero syempre, dahil ito ang kausap ko at ayaw nya talagang tanggapin ang reason kong yun dahil 'mag babago' na daw sya kasi mahal 'daw' nya talaga ako ay iba ang idinahilan ko. Huminga muna ako ng malalim bago ko sya hinarap.
"Gusto mo talagang malaman ang dahilan?" Seryosong sabi ko. Agad ko naman nakuha ang atensyon nito.
"Oo, sabihin mo saakin." Determinadong sabi nito.
Tinitigan ko sya sa mata para mas mapaniwala ko sya sa susunod na sasabihin ko. "Jhoerick, hindi na tayo pwede kasi inlove na ako sa iba. Nainlove ako sa kagaya kong babae. Jhoerick ..." tiningnan ko ang reaksyon nito bago nag patuloy. "Tomboy ako."
At pag ka rinig na pag ka rinig nya nun ay literal na nahulog ang panga nya na parang hindi makapaniwala sa narinig.
Tsk, duh. Sino ba naman kasing mag eexpect na sa ganda at sexy kong to ay magiging tomboy ako? Pero syempre, dahil sa isa ako sa mga na ngangarap maging isang sikat na aktress at ilang beses na din akong nagpaextra extra sa mga pelikula ay nag mukhang totoo ang aking pag papanggap ngayon.
'Atleast di ba, for the first time in forever nga , nag karoon ng pakinabang ang isang to. I got two birds in one stone daw, first makakaalis ko na sa buhay ko ito at ngayon nakapag practice pa ako para sa auditions.'
Pero dahil alien talaga ang monggoliod na ito, at ipinaglihi pa sa kakulitan ng dwende .. Ayy malamang sa malamang ay may kalokohan na naman itong naisip!
=_=# peste~~~ pero lilinawin ko lang, hindi ako bitter huh? Sadyang nakaka badtrip lang sa kaslowan at kashongahan ang lalaking ito. Di ko nga alam kung anong masamang ispirito ang sumapi saakin at sinagot ko pa to dati e=_='
"Anong nginingisi ngisi mo dyan?!" Masungit na tanong ko dito. Ang kapal talaga ng mukha nito!
"Hayy, nako keisha. Alam ko naman na di ka talaga tomboy e. Pati sino naman ang sinasabi mong mahal? Eh alam ko naman na ako lang ang mahal mo."
Hari na talaga ito ng kakapalan, isama na pati ang korona ng kafeelingan=_= sya na talaga! Syang sya na!
"hay, kahit ako din naman di ko ineexpect na mangyayari to." Pinalungkot ko pa ang boses ko para mas kapaniwa paniwala. "Wala naman akong balak na mainlove sa kapwa ko babae pero... Nangyari e, wala na akong magagawa." Dagdag ko pa dito.
BINABASA MO ANG
my b*tchy star
Romance"The stolen kiss that change everything" Hate/love chuchu~ :Jhaydee<3